Iba’t ibang monitoring tools ang gagamitin sa pagpapatakbo ng Heart to Heart. Gagamitin ito pareho ng mga participant at facilitator para makapagbigay ng feedback mula sa kanilang pananaw. Sa tools na ito, may options din para a mga participant na low to zero literacy.
Option 1
- Hatiin ang grupo sa 5. Mas mainam kung may 4 na miyembro sa bawat grupo.
- Bibigyan sila ng ng 15 minuto para pag-isipan ang tanong at ibahagi sa grupo ang sagot nila.
a. May bago ba sa sarili mo na ngayon mo lang natuklasan dahil sa activities na ginawa natin ngayon? Kung oo, ano ito?
b. Paano mo sinisiguradong natatamasa o nagagampanan ng mga anak mo ang mga karapatan nila? - Matapos ang 15 minuto, pabalikin mo na ang mga participant sa mas malaking plenary group ninyo at hikayating magbahagi sila ng opinyon sa grupo.
- Pasalamatan mo ang mga participant sa kanilang partisipasyon at ibigay mo sa kanila ang kanilang Daily Feedback Journal/Diary at assignment.
Option 2
Ang Feedback Agad na tool
Sa katapusan ng bawat session, puwede mong gamitin ang sumusunod na tool para makakuha ng agarang feedback tungkol sa nararamdaman ng mga participant. Maglagay ng tatlo o apat na tanong sa hiwa-hiwalay na cards at ihilera ito sa sahig o sa mahabang mesa. Ilagay ang high, medium at low cards sa gilid (tulad ng nasa diagram sa ibaba). Maglagay ng maliliit na plato sa isang linya na nakatapat sa iba’t ibang options na pagpipilian sa bawat tanong.
Bigyan ang bawat participant ng tatlo, apat o limang toothpicks o stick ng posporo (ang bilang ng toothpicks na ibibigay sa bawat tao ay dapat kasingdami ng bilang ng mga tanong at activities). Sabihin sa participants na maglagay ng isang toothpick sa bawat tanong at piliin kung sa high, medium o low ito ilalagay. Bigyan ng sapat na oras ang mga participant na ilagay ang kanilang mga toothpick (mahalagang hindi mo sila dapat titingnan kapag ginagawa nila ito para pakiramdam nila’y puwede silang maging tapat sa sagot nila).
Iayos ang mga participant na nakapaikot sa rapid feedback “data.” Magtanong kung may volunteer na nais magkomento tungkol sa resulta. Kung may mga toothpick sa kategorya ng low, tanungin ang grupo kung bakit ganoon ang pakiramdam nila. Tanungin sila kung ano ang kailangang gawin para mas mapabuti ang mga bagay-bagay sa susunod na araw ng session.
Puwede kang gumawa ng kaparehong feedback sa pagdrowing ng isang grid sa malaking sheet ng papel at bigyan mo ng stickers ang mga participant na ididikit doon para sa kanilang mga sagot. Para sa mga low literacy participant, ipaliwanag mo kung ano ang nakasulat sa bawat kahon para mailagay nila ang kanilang kasagutan.
Sa panghuli, pasalamatan mo ang mga participant sa kanilang pakikisali at bigyan sila ng kanilang Daily Feedback Journal/Diary at ang kanilang assignment.
