Activity Plan 3: Tips sa mga magulang para sa mas mainam na pakikipag-usap sa inyong very young adolescent
Objectives• Matuto ng mas mabuting paraan sa pagharap sa mga mapanghamong sitwasyon ng adolescent.
Description• Role Play, pagproseso ng activity, diskusyon
Materials• Positive Discipline Scenarios
• Mga Estratehiya para sa mga magulang.
Oras60 na minuto

Instructions

1. Sabihin mo ito:

“Subukan nating i-apply ang Positive Discipline sa mga mapanghamon na sitwasyon na posible niyong harapin sa inyong adolescent.”

2. Hatiin ang participants sa 6 na pares, depende kung ilan sila.

Kapag kakaunti lang ang tao, bigyan ang ilang pares ng mas marami sa isang scenario.

3. Sabihin mo ito:

“Bibigyan ko ang bawa’t pares ng isang scenario o sitwasyon na madalas mangyari sa mga adolescent. Isadula ninyo ang mga scenario at kung ano ang dapat gawin ng magulang. Mga ideya lang ang nasa scenario. Kung gusto niyong palitan ang mga ito batay sa sarili ninyong karanasan o mga naiisip, palitan niyo lang.”

4. Magpabunot ng isang scenario sa bawat pares.

  • Crush: Natuklasan mong may crush pala ang anak mong babae sa kapitbahay ninyong 17 taong gulang na. Lagi mo siyang nakikitang nakatulala na parang nangangarap nang gising.
  • Tambay: Hindi na nagpapaalam ang anak mong babae sa iyo kapag gusto niyang tumambay kasama ang mga kaibigan niya pagkatapos ng klase niya. Gabi na siyang umuuwi minsan.
  • Pornography: Madalas ang anak mong lalaki sa kapitbahay ninyo dahil madalas naglalaro siya doon ng video games o nakikinood ng TV. Minsan, nahuli mo siyang nanonood doon ng pornfilms kasama ang mga kaibigan niya.
  • Tamad: Hindi na ginagawa ng anak mong lalaki ang mga toka niyang gawaing-bahay. Lagi na lang siyang nagkukulong sa kuwarto niya nang ilang oras. Kapag inutusan mo siya, magmamaktol siya at magrereklamo pa.
  • Bisyo: Tumatambay ang anak mong lalaki kasama ang mga adolescent na mas matanda sa kanya, na kilalang naninigarilyo at umiinom ng alak.
  • Bingi-bingihan: Magtatakip ng tenga ang anak mong babae tuwing ipapaalala mo sa kanya kung ano ang dapat at hindi dapat ginagawa ng tulad niyang bata. Masyado mo raw kasi siyang tinatalakan.

5. Bigyan ng 10-15 minuto ang mga participant para paghandaan ang kanilang role-play.

6. Sabihan ang bawa’t grupo na isadula nila ang role-play scenario nila para makita ng lahat.

Bigyan lamang ng 3-5 minuto ang bawat pagsasadula.

7. Gamitin ang H2H Role-Play Observation Checklist habang sila ay nagsasadula at icheck kung nagawa nila ang bawat hinihingi ng checklist.

8. Pagkatapos ng bawat dula, itanong mo ito:

  • Tungkol saan ang dulang ito?
  • Ano sa tingin ninyo ang nangyayari dito?
  • Ano ang masasabi ninyo sa reaksyon ng mga magulang?
  • Sang-ayon ba kayo sa kung paano pinangasiwaan nung magulang ang sitwasyon? Bakit oo bakit hindi?

9. Bigyan ang bawa’t participant ng kopya ng Mga Estratehiya Para sa Mga Magulang.

Bigyan sila ng ilang minuto para basahin ang mga payo doon. Hikayatin silang magbigay ng sarili nilang mga halimbawa ng mga estratehiyang ito.

Mga Estratehiya para sa mga Magulang

StratehiyaPaliwanagHalimbawa sa Araw-Araw na Buhay
Aralin kung paano mo pangangasiwaan ang sarili mong emosyon.Maging mas mulat sa sarili mong pakiramdam bilang isang magulangMatutong mag-relax at huminga ng malalim, lalo na kapag kinakaharap mo ang isang mahirap na sitwasyon. Maging kalmado. Tandaan kung ano ang natutunan mo tungkol sa pagbabagong pinagdaraanan ng iyong adolescent.
Intindihin ang mga pagbabagong pinagdaraanan ng iyong adolescent.Lahat ng pagbabagong ito ay normal.
Maaaring napagdaanan mo rin ang mga ito noon. Kapag nagloloko o nagmamaktol ang anak mo, intindihin mo kung ano ang dahilan nito. Huwag mo silang papaluin, sisigawan, mumurahin, o mamaliitin. Huwag mo silang susuhulan. Mas makakapagpalala lang ito ng sitwasyon.
Magpakita ng pagmamahal at pag-aaruga sa iyong adolescent.Iparamdam sa mga anak na maymalasakit ka sa kanila.Yakapin mo sila, sabihin mong mahal mo sila, at naiintindihan mo ang pinagdaraanan nila. Pakinggan mo ang mga ikinababahala at agam-agam nila. Batiin mo ang kanilang mga pagkapanalo. Gumugol ka ng oras na kasama sila: magkuwentuhan kayo, kumain kayo nang magkasama, at gumawa kayo ng mga activity nang magkasama.
Makisali.Makisali sa mga activity sa eskuwelahan ng adolescent mo.Kilalanin mo ang mga kaibigan at guro nila. Imbitahan mo sa inyo ang mga kaibigan niya. Kausapin mo sila tungkol sa kanilang assignment, ginagawa sa eskuwelahan at mga hobbies. Alamin mo kung ano ang mga interes nila at kausapin mo sila tungkol dito.
Palakihin ang pagpapahalaga nila sa sarili.Tulungan mo silang madiskubre at magustuhan kung sino talaga sila.Hikayatin mo silang paniwalaan ang kakayanan nila. Tulungan mo silang makita ang kanilang kakayanan at hikayatin mo silang pagbutihin pa ang mga abilidad nila.
Maging malapit, pero may distansiya pa rin.Obserbahan mo ang mga ginagawa nila, pero palihim mo lang gawin.Alamin mo kung sino ang kasa-kasama nila, ano ang mga ginagawa nila. Ipakita mong pinagkakatiwalaan mo sila.

10. Itanong mo ito:

  • Napansin mo ba ang paggamit ng mga strategy na ito sa role play? Alin sa mga strategy ang ginamit?
  • May dagdag ka bang sasabihin?

Subukan nating gamitin ang mga estratehiyang napag-usapan natin sa iba’t ibang pagkakataon o sitwasyon natin kasama ang ating mga VYA. Magbigay ng kalinga, gabay, pag-iintindi, at pagmamahal sa kanila. Sa isang mapag-aruga at magiliw na kapaligiran, gugustuhin ng mga anak na mapasaya ang magulang nila. Mas natututo sila sa pamamagitan ng Positive Discipline at magandang relasyon sa kanilang magulang at guardians, kaysa sa pisikal na pagpaparusa o pagpapahiya sa kanila

Key Message

100% Completed
Activity Plan 3: Tips sa mga magulang para sa mas mainam na pakikipag-usap sa inyong very young adolescent – SCP H2H Facilitator’s Manual