Activity Plan 4: ABC ng pagiging mabuting magulang: Mga Sariling Pananaw
Objectives• Magbahagi at lubos na maintindihan ang sarili nilang pananaw tungkol sa pagiging magulang
• Matutunan ang ABC ng Pagiging Mabuting Magulang
Description• Magsulat sa mga journal ang mga participant gamit ang isang set ng mga tanong bilang gabay nila
Materials• Journals
• Pens
• ABC ng Pagiging Mabuting Magulang Handout
Oras30 na minuto

Instructions

1. Sabihin mo ito:

“Marami tayong tinatalakay na mga bagay ngayon na mahirap talagang pag-usapan. Kahit hindi tayo masyadong kumportable minsan, mahusay ang ginawa ninyong pagsasalita! Ngayon naman, pag- uusapan natin ang mga pananaw ninyo sa pagiging magulang.”

2. Sabihin na gamitin ang kanilang Daily Feeback Journal or Diary

Ipaliwanag na ang journal ay para madokumento nila ang kanilang mga natutunan at mga naging muni-muni tungkol dito. Bigyang-diin na ang mga journal ay pribado dapat, at ipapabasa lang sa kanila kung ano ang kumportable silang ibahagi. Puwede nilang isulat o i-drawing ang kanilang mga isipin, at hindi babasahin ninuman ang mga journal nila nang walang permiso mula sa kanila.

3. Tanungin mo ito sa mga magulang, at isulat o i-drawing nila ang kanilang mga sagot.

Hikayatin mo silang maging tapat sa pagsagot. Bigyan ng 15 minuto ang mga participant para isulat o i-drawing ang mga sagot nila.

  • Kamusta ang relasyon ninyo sa inyong (mga) anak na edad 10-14?
  • Sa tingin ninyo, bakit kaya ganito o bakit nagkaganito ang relasyon ninyo ng mga anak ninyo?

4. Pag-usapan sa mga grupo ninyo ang mga tanong na ito

Puwede mong isulat ang mga tanong sa isang flipchart para makita ng lahat, kung mas madali itong paraan ng pagtatalakay.

  • Napupunan ba ninyo ang mga pangangailangan ng inyong anak?
  • Ano ang ginagawa ninyo bilang quality time o bonding kasama ang mga anak ninyo?
  • Paano ninyo pinaparamdam sa bata na mahal ninyo siya/sila?
  • Paano ninyo dinidisiplina ang mga anak ninyo?
  • Paano kayo tinatrato ng mga anak ninyo?
  • May mga nais ba kayong baguhin para magkaroon kayo ng mas magandang relasyon sa inyong mga anak?

5. Humingi ng ilang volunteer na gustong magbahagi ng kanilang sinulat.

Ipaalala sa kanilang hindi nila kinakailangang ibahagi ang anumang bagay na hindi pa sila kumportableng sabihin.

6. Sabihin mo ito:

“Isa sa pinakamahirap na trabaho ang pagiging magulang. Walang taong nakaka-perpekto nito. Pero ang isang paraan para mas maging mainam ang relasyon natin sa ating mga anak ay ang matutunan ang pagiging mabuting magulang.”

Ipamigay sa participants ang mga handout ng ABC ng Pagiging Mabuting Magulang. Ipaliwanag mo na ang mga gawaing ito ng pagiging magulang ay nagdudulot ng mas mainam na relasyong magulang-anak.

Ang Pagiging Mabuting Magulang

Accepting (pagtanggap) – Magpakita ng tuloy-tuloy at tunay na interes sa buhay ng inyong dalaga o binata. Gumugol ng oras kasama sila, at subaybayan mo ang kanilang mga ginagawa.
Be respectful (maging magalang) – Ipaliwanag sa kanila nang husto ang iyong mga patakaran at inaasahang pamantayan ng pag-uugali nila. Respetuhin mo ang anumang limitasyong napag-usapan ninyo. Iwasan mo ang pagiging masyadong istrikto o masyadong mapagbigay. 
Communicate (pakikipag-usap) – Ikaw ang dapat maging dulugan ng iyong adolescent, kaya iparamdam mo sa kanilang puwede ka nilang takbuhan kapag may tanong sila o problema. Kapag mainam at bukas ang pagtanggap mo bilang magulang sa mga adolescent, mas magiging bukas din silang sabihin sa iyo ang anumang bumabagabag sa kanila.

Walang perpektong magulang! Lahat ay may kinakailangang pagbutihin pagdating sa pagiging magulang. Ang relasyon mo sa iyong anak ang makakaprotekta sa kanila mula sa mga panganib sa paligid nila.

Key Message

89% Completed
Activity Plan 4: ABC ng pagiging mabuting magulang: Mga Sariling Pananaw – SCP H2H Facilitator’s Manual