Objectives | • Para matukoy ang karaniwang uri ng stigma at diskriminasyon. • Para pag-usapan ang ibig sabihin ng stigma at diskriminasyon. • Para hamunin ang mga pag-aakala at pag-unawa ng participants na maaaring nakaka-impluwensiya sa kung paano nila tinatrato ang ibang tao. |
Description | • Participatory activity |
Materials | • Tatlong picture ng babae at tatlong picture ng lalaki (puwedeng galing sa mga magazine, diyaryo, brochures) • Masking tape • Gunting • Printed character cards, ginupin (ibaba) |
Oras | 45 na minuto |
Instructions
1. Gawing mas akma ang activity na ito sa paggamit ng mga katangiang nakikita sa kultura ninyo.
Huwag kang gagamit ng pangalan ng mga participant bilang character names.
2. Bigyan ng picture ang bawat character na nakalista sa ibaba.
Ipaskil ang picture at pangalan lang muna para sa bawat character sa paligid ng kuwarto.
3. Sabihin sa participants na tingnan ang bawat character at pumili ng isang kakaibiganin mula sa 6 na characters na nakapaskil.
Patayuin mo sila sa tabi ng “character” na napili nila. Magtanong sa isa o dalawang tao mula sa bawat grupo kung bakit nila napiling maging kaibigan ang character na tinabihan.
4. Idagdag ang unang katangian ng character sa ilalim ng picture ng bawat character.
Ipabasa mo nang malakas sa mga participant mula sa iba’t ibang grupo ang katangiang ito.
5. Paikutin mo ang participants sa kuwarto para tumingin ulit sa bawat character, at muling pumili ng isang kakaibiganin nila sa 6 na characters.
May mga participants na magpapalit ng bagong character at may mananatili sa unang desisyon nila. Muling magtanong sa isa o dalawang tao mula sa bawat grupo kung bakit nila pinili ang character na kinaibigan nila. Ituloy ang prosesong ito hanggang ang lahat ng 6 na katangian ng characters ay nailabas na.
6. Magsimula ng group discussion tungkol sa activity gamit ang sumusunod na tanong bilang gabay:
- Ano ang pakiramdam mo sa activity na ito?
- Ano ang mga katangiang nakaimpluwensiya sa iyo sa pagpili mo ng kaibigan?
- Mayroon bang mga hindi nagpalit ng kaibigan? Bakit?
- Nakaramdam ka ba ng paghuhusga o bias sa ilang characters? Nang unti-unti nang inilalabas ang katangian nila, nagbago ba ang bias mo?
- May nadiskubre ka ba sa sarili mo sa activity na ito?
- May makakapagpaliwanag ba sa inyo kung ano ang ibig sabihin ng stigma at diskriminasyon? Pareho lang ba ito?
- May makakapagpaliwanag ba sa inyo kung paano naganap ang stigma at diskriminasyon sa sitwasyong ito?
- Nangyayari ba ito sa totoong buhay? Paano?
RITA | 1. Friendly sa lahat ng tao as paligid niya 2. Nakapaglakbay na sa Asia at Europe 3. May special needs: deaf at mute 4. Ngayon ay isang religious preacher na sa komunidad niya 5. Dating sex worker 6. Bisexual |
HIRU | 1. “Crush ng bayan” na tipo ng lalaki. 2. Pinoprotektahan ang babaeng minamahal niya. 3. Dalawa ang girlfriend. 4. Laging kinokonsulta ng mga kaibigang lalaki para humingi ng good advice niya. 5. Dating drug user na nagtuturok 6. Bisexual siya. |
ARYANA | 1. Matalino at sophisticated 2. Isang law student 3. Nakulong (sa preso) ng tatlong buwan 4. Tagapag-alaga ng pamilya sa pinansiyal na aspeto 5. Nakulong dahil binigyan niya ng proteksiyon ang kaibigang na-rape 6. Mayroon siyang mental disability |
JUAN | 1. Charming at laging magalang 2. Mahilig sa music at isang DJ sa sikat na club 3. Kasalukuyang may “partner na lalaki” 4. Masipag at mahaba ang pasensiya kahit nape-pressure 5. Sobrang relihiyoso 6. Mayroon siyang mental disability |
RAM | 1. Fit ang katawan at laging nagpupunta sa gym 2. Maraming tao ang gusto siyang maka-date 3. Laging nakikipag-sex 4. Gusto niyang nakikipag-date sa parehong lalaki at babae 5. Tapat o faithful sa taong mahal niya 6. May HIV |
Mahalagang hindi natin hinuhusgahan ang mga tao o kahit ang ating mga VYA batay lang sa pananamit nila o pagkilos. Minsan, may hihigit pa sa kung ano lang ang hitsura nila o kung anuman ang sexuality nila; sila ay mabait, dumadamay, mapagmahal, mapang-unawa, pala-kaibigan, at magalang na mga indibidwal o nilalang.
Key Message
Mahalagang pag-isipan natin kung paano tayo nakikisalamuha at nanghuhusga ng ibang tao.