Objectives | • Maging handa at malinMatukoy ang mga panganib na maaaring harapin ng mga adolescent, mga sanhi nito, at ang maaaring kalabasan nito |
Description | • Group work at diskusyon |
Materials | • Mga Panganib photo cards • Risk Tree diagram • Metacards • Markers • Masking tape |
Oras | 45 na minuto |
Instructions
1. Paupuin ang mga participant paikot sa isang bilog.
Ang Ipakita sa kanila ang drawings ng Mga Panganib. Sabihin mo ito:
“Sa tingin ninyo, alin sa pinapakita ng mga drawing ang maaaring magdulot ng panganib sa mga adolescent? Alin sa mga drawing naman ang masasabing pangkaraniwang panganib? Anong mga panganib ang hindi naisama dito?”
2. Sabihin sa kanila na magbigay ng ibang halimbawa ng panganib na hindi naisama sa mga picture card.
Isulat o i-drawing ang mga karagdagang panganib sa metacard. Isang metacard bawat panganib.
3. Sabihin mo ito:
“Ilalatag ko itong imahe ng puno sa sahig. Gamit ang trunk o katawan ng punong ito, maikukumpara natin dito ang mga panganib na maaaring maranasan ng kabataan. Ilagay mo sa tree trunk ang mga picture card na pinili ng mga participant bilang mga panganib.
Tulad ng isang puno, ang mga panganib na ito ay may pinag-uugatan. Ang ugat ng prublema ang sanhi nito.”
4. Itanong mo ito sa kanila at ilista mo ang kasagutan nila:
“Ano sa palagay ninyo ang pinaguugatan ng mga problemang ito?”
Ito ang mga maaaring sagot:
- Busy masyado ang mga magulang sa pagtatrabaho kaya hindi nila masyadong nabibigyang-atensyon ang mga anak
- Masyadong istrikto ang mga magulang
- Peer pressure at negatibong impluwensiya ng mga kaibigan at kapitbahay.
- Maaaring nalalantad sila sa pornograpiya o mga marahas na materyal, sa pag-inom ng alak, o sa ilegal na droga.
Isulat o i-drawing ang mga pinag-uugatan at ilagay sa diagram.
5. Sabihin mo ito:
“Ang mga sanga ng puno ay simbolo ng nagiging resulta ng mga panganib na nalalantad sa kabataan.”
Itanong mo ito sa kanila at ilista mo ang kasagutan nila:
“Ano sa palagay ninyo ang magiging resulta ng mga problemang ito?”
Ito ang mga maaaring sagot:
- Pag-drop out sa eskuwelahan
- Maagang mabubuntis
