Session 4 Assignment
1. Maghanda ng interview chart na gagamitin ng mga magulang sa pag-interview sa kanilang magulang o lolo’t lola bilang homework.
Ipaliwanag na ang activity na ito ay tungkol sa pagtuklas kung paano nagbago ang gender norms sa paglipas ng panahon. I-print ang interview chart.
Interview Chart
| Ano ang pinairal na mga panuntunan o inaasahan sa mga kalalakihan o kababaihan tungkol sa mga sumusunod? | Karanasan ng mga magulang o lolo’t-lola o mas nakakatandang tao | Sariling karansan ng magulang/participants |
|---|---|---|
| Pag-aaral | ||
| Gawaing bahay | ||
| Pakikipagrelasyon | ||
| Bilang magulang | ||
| Pagtatrabaho | ||
| Ibang karanasan |
2. Para gawin ang interview, ito ang sabihin sa mga magulang:
- Hiwalay na mag-interview ng dalawang nakatatandang tao mula sa henerasyon ng lolo’t lola nila, puwedeng lolo o lola nila talaga o hindi nila kamag-anak. Kung puwede, dapat ay kapareho nila ng gender ang iinterbyuhin nila. Kung wala silang kakilalang matanda, magpatulong sila sa pamilya o ibang tao na makahanap ng iinterbyuhin.
- Tanungin ang iinterbyuhing matanda kung ano ang pinairal na gender role sa mga babae at lalaki noong kabataan nila. Alamin kung ano ang mga gender role na nag-iba na mula noon. Magtanong tungkol sa edukasyon, sa pagkakaroon ng kasayahan, pakikipagkaibigan, romansa, ibang mga kalakarang kaakibat sa kasal, at sa pagtatrabaho.
- Idrowing ang chart na ito sa board. Ipaliwanag ang nilalaman nito. Sa kaliwang hilera ay ang iba’t ibang aspektong itatanong ng mga magulang. Sa gitnang hilera, dito isusulat ng participants ang sagot ng iniinterbyu nila. Sa kanang hilera, isulat nila ang sarili nilang karanasan.