Activity Plan 1: Heart to HEART Advocate Ka Ba?
Objectives• Maging komportableng magkasama ang participants at mga adolescent na kasama nila
Description• Warm-up na laro
Materials• Upuan
Oras10 na minuto

Instructions

1. Paupuin ang mga participant na nakapaikot sa isang bilog, pero may isang maiiwan sa gitna.

Ang maiiwan ang magiging taya, at tatayo siya sa gitna ng bilog. Ang lahat ay dapat nakaupo sa silya.

Patayuin ang taya sa gitna. Pumili ng isang lalapitan ang taya at tanungin ito: “Heart to HEART Advocate Ka Ba?

2. Ang tinanong na participant ay puwedeng pumili ng isasagot dito: “Oo o Hindi” lamang ang sagot.

Kapag “OO” ang sinagot, lahat ng nakaupo ay tatayo at lilipat ng upuan pakaliwa (counterclockwise) at kung “HINDI” ang sagot, may kasunod na tanong sa kanya ang taya: “Sino ang Heart to HEART Advocate?”

Ang pinagtanungan ay magbibigay ng kategorya. Sasagot ulit ang participant ng “Lahat ng _” at magbabanggit ng isang katangian (halimbawa, ‘yung mga nakasuot ng salamin, ‘yung mga may pangalang nagsisimula sa letrang M, lahat ng mahaba ang buhok, atbp.). Kung sinuman ang may katangiang nabanggit, tatayo sila at madaliang magpapalitpalit ng inuupuan. Sinuman ang maiiwang hindi nakakuha ng uupuan ang siyang magiging susunod na tayâ.

Ulit-ulitin ito tuwing may bagong taya.

3. Sabihin mo ito:

“Kamusta ang activity? Nag-enjoy ba? Pagkatapos ninyong daanan ang lahat ng session, ngayon ay ganap na kayong handa sa tuloy-tuloy na pagpapabuti ng komunikasyon sa pagitan ninyong mga magulang at mga adolescent ninyong anak.”

4. Yayain ang mga anak na ipakilala ang kanilang mga sarili at kung sino ang kanilang magulang o guardian.

90% Completed
Activity Plan 1: Heart to HEART Advocate Ka Ba? – SCP H2H Facilitator’s Manual