Objectives | • Matukoy ang mga health at child protection services at workers para sa mga adolescent |
Description | • Game |
Materials | • Poster o malaking drawing ng Bayanihan • Suporta para sa mga Adolescent na cards • Metacards • Markers • Masking tape |
Oras | 45 na minuto |
Instructions
1. Ilagay ang diagram ng Bayanihan Resource sa sahig kasama ang cards na may pangalan ng mga nagbibigay ng serbisyo at Suporta para sa mga Adolescents Resource.

Suporta para sa mga Adolescents
Tao o Opisina | Tungkulin |
---|---|
Magulang at guardian | • Magbigay ng pangunahing pangangailangan (pagkain, tirahan, damit, edukasyon) para sa kalusugan at kapakanan ng mga anak • Magbigay ng emosyonal na suporta at gabay sa pagiging moral ng mga anak para lumaki silang mababait na tao • Protektahan ang mga anak nila mula sa panganib sa loob at labas ng bahay |
Guro | • Magbigay ng kaalaman tungkol sa puberty, hygiene, pagiging responsableng magulang, at iba pang pangkalusugang kaalaman |
Kaibigan at kaklase | • Turuan ang isa’t isa kung paano makitungo sa mga tao sa labas ng pamilya nila • Magbigay ng suportang emosyonal at suporta sa pakikipagkaibigan • Hikayatin ang isa’t isa na humingi ng tulong sa mas nakakatanda kung kinakailangan |
School nurse o clinic teacher | • Magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga estudyante (Dito ipabasa sa mga participant ang poster ng Child Protection Policy ng Department of Education kung saan nakasaad ang mga ginagawa ng eskuwelahan para maprotektahan ang mga estudyante) |
Health worker tulad ng doktor, nars, komadrona, at barangay health worker (BHW) | • Magbigay ng impormasyon at serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad, health center, clinic, at ospital |
Social Hygiene Clinic | • Pag-testing at paggamot ng sexually transmitted infections (STI) at HIV |
Department of Social Welfare and Development (mga social worker) | • Imbestigahan at pangasiwaan ang mga kaso ng child abuse at kapabayaan, at para saklolohan ang mga naabusong bata kung kinakailangan • Ipatupad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kasama dito ang Family Development Sessions kung saan puwedeng humingi ng abiso ang mga magulang kung paano alagaan ang kanilang mga anak |
Barangay officials | • Protektahan ang mga bata mula sa child abuse at kapabayaan sa pamamagitan ng kanilang Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at sa Women and Children’s Desk • Maaaring magsampa ng kaso laban sa mga umabuso ng bata |
Tribal Councils | • Magbigay ng gabay kung paano mapoprotektahan ang kabataan nang ayon sa kanilang kultura at tradisyon sa tribu • Tumulong sa pagpapatupad ng Child Protection Policy kasama na ang pagbabawal sa Child Marriage. |
Lider ng relihiyon tulad ng pari, madre, ulama, uztad, imam, o pastor | • Bigyan ng abiso ang mga magulang kung paano nila maaalagaan nang husto ang kabataan nang ayon sa kanilang relihiyon |
Opisyal ng munisipyo o lungsod tulad ng mayor, vice-mayor at mga councilor | • Gumawa at magpatupad ng mga ordinansa at programa para sa kabataan, at siguraduhing may sapat na perang popondo sa mga programang ito |
2. Sabihin mo ito:
“Ngayong napag-usapan na natin ang mga panganib na puwedeng makaharap ng mga kabataan, aalamin naman natin ngayon ang mga serbisyong makakatulong sa kanila kung may problema. Sila ang sumusuporta sa mga adolescent sa komunidad.”
3. Sabihan ang participants na lumapit sa diagram.
Balikan ang Activity (Adolescent Risk Mapping) ng session na ito kung saan una nilang natukoy ang iba’t ibang panganib na makahaharap ng mga adolescent.
4. Mula sa mga nabanggit na risk o panganib, pag-usapan kung anong ahensiya, grupo, o indibidwal ang puwedeng lapitan para humingi ng suporta.
Pagkatapos nilang magsalita, bigyan mo ang mga participant ng pagkakataong ibahin ang kanilang posisyon. Huwag kang magbibigay ng sarili mong pananaw. Makinig ka lang sa mga naiisip nila at sa pag-unawa nila sa mga statements. Siguraduhin mong laging may safe space sa grupo kung saan puwede silang magsalita at magbahagi ng kanilang mga naiisip at opinyon. Kung kinakailangan, ipaalala mo ang mga ground rules ninyo.
5. Sa tuwing may babanggitin silang ahensiya, grupo, o indibidwal, ibigay mo ang kaukulang card at ipalagay sa participant sa isang tao sa diagram ng Bayanihan.
Pag-usapan ang mga serbisyong naibibigay ng mga grupo at indibidwal na ito. Kung mayroong hindi pamilyar sa ibang grupo o indibidwal, tanungin mo kung nakikita nila o kung aktibo sa kanilang komunidad ang mga ito.
Kung may karagdagang ahensiya, grupo, o indibidwal na wala sa cards, isulat o idrowing ito sa metacard at ilagay din sa diagram ng Bayanihan.
6. Itanong mo ito:
“Ano ang masasabi ninyo sa bayanihan na sumusuporta sa mga adolescent?”
7. Sabihin mo ito:
“May iba’t ibang uri ng suporta at proteksiyon para sa mga adolescent sa isang komunidad. Mahalagang malaman ninyo kung ano-ano ito. Kayo ang unang panggagalingan ng suporta ng mga anak ninyo, at responsibilidad n’yo rin ang paggabay sa kanila kapag kinakailangan nilang makakuha ng mga serbisyong napag-usapan natin ngayon. Kapag masyado kayong nabibigatan, maraming tao dito na handang tumulong! Sama-samang responsiblidad ng isang komunidad ang pagpapalaki at pagprotekta sa isang bata, at isa itong responsibilidad ng lipunan.”