Activity Plan 4: Pangarap Natin (Pinagsamang Pananaw)
Objectives• Magkasundo ang mga magulang at kanilang mga adolescent sa iisang adhikain at layunin para sa kanila bilang magulang at anak
Description• Paggawa ng worksheet nang magkasama
Materials• Pangarap Natin worksheet
Oras45 na minuto

Instructions

1. Sabihin mo ito:

“Sa exercise na ito, pag-uusapan natin bilang magulang o guardian at VYAs kung ano-ano ang mga plano, pangarap, o ninanais gawin o abutin sa buhay.

Bibigyan namin kayo ng kopya ng Pangarap Natin worksheets. Isulat o idrowing n’yo ang mga adhikain (vision), pangarap, at mga hakbang o dapat gawin sa Pangarap Natin worksheet.

Kayo ay may 15 – 20 minuto para matapos ang activity.”

2. Pagkatapos ng activity, itanong mo ito:

  1. Ano ang naramdaman ninyo noong ginagawa ninyo ang exercise na ito?
  2. Nagulat ba kayo sa mga adhikain at hakbang na pareho ninyong napagdesisyunan?
  3. May mga tanong ba kayo o gustong sabihin?
Pangarap Natin (Pinagsamang Pananaw)

Maraming salamat sa inyong aktibong pakikilahok. Ang dami ko ring natutuhan sa inyo. Ngayon, puwede n’yo nang itago ang shared dreams o visions ninyo. Hinihikayat ko kayong idikit ito sa inyong bahay para lagi n’yo itong nababasa para paalalahanan kayo sa pinag-usapan ninyo. Maging inspirasyon sana siya para mas maabot n’yo ang mga pangarap n’yo sa isa’t isa.

Key Message

90% Completed
Activity Plan 4: Pangarap Natin (Pinagsamang Pananaw) – SCP H2H Facilitator’s Manual