Option 1
1. Sabihin sa participants na narating n’yo na ang pagtatapos ng session ngayong araw.
Tanungin mo sila kung ano ang pinaka-tumatak sa kanilang lesson sa araw na ito. Bigyan ng tamang minuto ang pagbabahagi ng mga kasagutan nila. Pasalamatan mo silang lahat sa kanilang pagsali at pagdalo.
2. Gamitin ang kasalukuyang mga grouping, sasagutan ng participants ang mga sumusunod na tanong:
- Ano ang nararamdaman mo pagkatapos ng session?
- Ano ang highlights nito para sa iyo?
- Ang ang topic na pinakamahirap ninyong pag-usapan ng bata? Bakit?
3. Isulat mo ang feedback nila sa Documentation at Feedback Form.
4. Hikayatin silang sumagot ng post-test questionnaire.
Option 2
Ang Feedback Agad na Tool
Sa katapusan ng bawat session, puwede mong gamitin ang sumusunod na tool para makakuha ng agarang feedback tungkol sa nararamdaman ng mga participant. Maglagay ng tatlo o apat na tanong sa hiwa-hiwalay na cards at ihilera ito sa sahig o sa mahabang mesa. Ilagay ang high, medium at low cards sa gilid (tulad ng nasa diagram). Maglagay ng maliliit na plato sa isang linya na nakatapat sa iba’t ibang options na pagpipilian sa bawat tanong.
Bigyan ang bawat participant ng tatlo, apat o limang toothpicks o stick ng posporo (ang bilang ng toothpicks na ibibigay sa bawat tao ay dapat kasingdami ng bilang ng mga tanong at activities). Sabihin sa participants na maglagay ng isang toothpick sa bawat tanong at piliin kung sa high, medium o low ito ilalagay. Bigyan ng sapat na oras ang mga participant na ilagay ang kanilang mga toothpick (mahalagang hindi mo sila dapat titingnan kapag ginagawa nila ito para pakiramdam nila’y puwede silang maging tapat sa sagot nila).
Iayos ang mga participant na nakapaikot sa rapid feedback “data.” Magtanong kung may volunteer na nais magkomento tungkol sa resulta. Kung may mga toothpick sa kategorya ng low, tanungin ang grupo kung bakit ganoon ang pakiramdam nila. Tanungin sila kung ano ang kailangang gawin para mas mapabuti ang mga bagay-bagay sa susunod na araw ng session.
Puwede kang gumawa ng kaparehong feedback sa pagdrowing ng isang grid sa malaking sheet ng papel at bigyan mo ng stickers ang mga participant na ididikit doon para sa kanilang mga sagot. Para sa mga low literacy participant, ipaliwanag mo kung ano ang nakasulat sa bawat kahon para mailagay nila ang kanilang kasagutan.
Sa panghuli, pasalamatan mo ang mga participant sa kanilang pakikisali at bigyan sila ng kanilang Daily Feedback Journal/Diary at ang kanilang assignment.
