Heart to HEART (H2H) Orientation and Launching

Preparasyon

Imbitahan lahat ng mga H2H partners at H2H parents na makakasama sa loob ng anim na buwan. Sabihin sa kanila na mag-kakaroon ng Orientation at Launching ng H2H project.

Pumili ng venue or lokasyon na malapit sa lahat. Maaring gawin ito sa eskwelahan o sa isang function hall. Makipag-ugnayan sa Save the Children Manager or Coordinator upang makahanap ng maayos na venue.

Objectives• Maging pamilyar sa expectations ng mga parents.
• Maging pamilyar ang mga participant sa mga miyembro sa grupo nila.
• Maging mas kumportable ang mga participant sa bawat isa.
• Pasagutan ang pre-test questionnaire sa mga parents.
DescriptionH2H Opening orientation and Launching with partners
Materials• H2H Attendance Sheet
• H2H Pre-test Questionnaire
• H2H Daily Feedback Journal or Diary Notebook
• H2H Orientation powerpoint slide or visual aid
• Ballpen or markers
• Nametags
• Projector (if available)
• Manila paper (isusulat ang ground rules at expectations)
• Toothpicks (session evaluation)
• Paper plates (session evaluation)
Oras3 hanggang 4 na oras

Instructions

1. Sabihin mo ito

Batiin ang mga participant at bigyan sila ng name tags sa pagpasok nila sa session.

Hello! Welcome po sa Heart to HEART program! Masaya kami at naisipan ninyong maging bahagi ng programang ito. Ang bawa’t isa sa inyo ay magulang o guardian ng isang adolescent na nasa edad 10-14. Sa loob ng anim na buwan, makikilala ninyo ang isa’t isa at sisikapin nating magkakaroon kayo ng mas bukas na komunikasyon sa inyong mga anak, pamangkin, o apo. Kasama din natin ngayon ang ating mga partners mula sa gobyerno at civil society organizations.

Matututo kayo dito ng impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health, Children’s rights, pagbabago na mararanasan ng inyong mga very young adolescents habang sila ay nagdadalaga at nagbibinta, pati na rin sa usaping gender, at mga sensitibong topics tulad ng relationship o pag-ibig, sex, pregnancy, at iba pa na importante sa buhay nila. Matututo rin kayo dito ng mga paraan para maipasa ang mga kaalamang ito sa kanila.

Halos ng lahat ng gagawin natin ay idadaanan natin sa laro o games, para mas maenjoy natin ang bawat activities o sessions. Dahil magkakasama tayo sa loob ng anim na buwan. Sa ikatlo at ika-limang buwan, tayo ay mag-kakaroon ng field-trip o visit sa isang rural health unit o RHU o kaya barangay health station na malapit sa inyong mga lugar. At sa ating ika-anim na buwan o last month na mag-kakasama, mag-kakaroon tayo ng simpleng graduation at kung saan kasama natin ang inyong mga anak, apo o pamangkin. Exciting, diba?

2. Expectation Setting at ground rules

Tanungin ang mga participant kung ano ang inaasahan nilang matututunan sa Heart to HEART program. Isulat o i drawing mo ang mga sagot nila sa flipchart paper para mabalikbalikan mo ito sa pagtakbo ng session.

Sabihin sa mga participant na gumawa ng listahan nila ng ground rules. Isulat o idrawing mo ito sa flipchart paper. Ilang halimbawa nito ay:

  • Respetuhin ang iba
  • Maging bukas sa ideya ng iba at sa pagkukuwento nila.
  • Sumali sa usapan at interaksyon para matuto ang lahat sa isa’t isa.
  • Para mapahalagahan ang confidentiality ng usapan, panatilihing ligtas at kumportable ang espasyo ng pagbabahagi.
  • Tuparin ang pagdalo sa lahat ng mga session at gawin ang kinakailangang assignment.

3. Daily Feedback Journal o Diary

Bigyan ang lahat ng participants ng tig-iisang Daily Feedback Journal or Diary. Ipaliwanag na ang journal ay para madokumento nila ang kanilang mga natutunan at mga naging muni-muni tungkol dito. Bigyang-diin na ang mga journal ay pribado dapat, at ipapabasa lang sa kanila kung ano ang kumportable silang ibahagi. Puwede nilang isulat o i-drawing ang kanilang mga isipin, at hindi babasahin ninuman ang mga journal nila nang walang permiso mula sa kanila. Dito din nila isusulat ang kanilang mga assignments.

Ang Daily Feedback Journal or Diary na pamimigay ay maaring katulad ng mga notebooks na ginagamit sa eskwelahan. Siguraduhin lamang na sabihan sila na ito ay para sa kanilang mga assignments at patungkol sa H2H project lamang.

Ang Daily Feedback Journal or Diary at dadalhin ng mga H2H parents bawat session.

4. Pre and Post Test Questionnaire

Siguraduhin na lahat ng kalahok sa loob ng anim na buwan ay sasagot ng pre-test sa unang bahagi ng programa at post-test sa huling session ng H2H program. Ito ay tutukoy kung gaano kalalim ang kanilang natutunan sa loob ng anim na sessions. Makikita ang pre and post test questionnaire sa H2H Manual of Operations.

100% Completed
Heart to HEART (H2H) Orientation and Launching – SCP H2H Facilitator’s Manual