Makakatulong na tips para sa facilitator #1

Paglatag ng rules and expectations

Ang facilitator ang siyang magkokondisyon sa grupo. Siguraduhing friendly at magalang ang kapaligiran. Gamitin ang activity sa unang session para ilatag ang mga inaasahan sa grupo. Balik-balikan ito kung kinakailangan. Sakaling hindi sinusunod ng mga participant ang rules, hilingin ito nang diretso. Puwedeng sabihin sa ganitong paraan.

  • Siguraduhin nating makakahanap tayo ng paraan na nagtatalo tayo pero may respeto pa rin sa kapwa.
  • Puwede po bang isa-isa lang ang magsasalita sa feedback session? Mahalaga pong marinig natin ang bawat isa.
  • Huwag po tayong magbanggit ng mga negatibong komento sa lahi at gender. Dapat may respeto pa rin kapag tinutukoy natin ang ibang tao.

Pagtataguyod at pagpapanaliti ng positibong relasyon sa grupo

Mahalagang ilatag ang mga inaasahan sa grupo para mainam ang kanilang kooperasyon, pakikihalubilo sa isa’t isa, at mahikayat silang makisali. Marami kang puwedeng gawin para maitaguyod ang pagiging friendly ng kapaligiran. Puwede mong gawin ang iba rito. Kabilang rito ang sumusunod:

• Pagngiti at pagbati sa mga tao habang dumarating sila
• Pagpapasalamat sa kanilang kontribusyon
• Makipag-eye contact
• Obserbahan ang grupo at pansinin kung sino ang nakikisali
• Hikayatin ang mga tao na makisali
• Mag-imbita ng iba’t ibang tao para magsalita
• Tulungan sila sa paggawa ng grupo habang inaayos ninyo ang activities
• Magpakita ng respeto sa ideya ng mga tao
• Imbitahan ang mga taong maghayag ng iba’t ibang opinyon
• Siguraduhing walang maiiwang tao
• Siguraduhing walang pagtatawanang tao
• Iwasang manghusga ng sagot ng mga tao
• Kilalanin ang tapang ng pakikisali ng mga tao
• Ayusin ang paraan ng pag-upo para maramdaman ng lahat na bahagi sila ng grupo. Ang nakatayo o nakaupo sa isang pabilog na posisyon ang pinakamainam na paraan para masiguradong nakikita ang lahat.
• Imbitahan ang iba’t-ibang tao na magbigay ng feedback sa mga maliit na grupo
• Iba-ibahin ang mga tao sa isang grupo tuwing may bagong gawain

Ang iba pang paraan sa pagtataguyod ng positibong kondisyon sa grupo ay ang pagkakaroon ng games, paghahalo-halo ng activities, at pagkakaroon ng tasks na nakakasali ang lahat, na siyang dinisenyo bilang bahagi ng mga module. Mahalagang hindi ito papalitan ng mga lecturestyle na presentation. Ang activities na ito ang magbibigay sa mga tao ng pagkakataong mabuo ang pakikipag-ugnayan nila sa isa’t isa.

  • Gamitin ang start up games sa paglatag ng friendly mood
  • Gamitin ang interactive activities sa pag-organisa ng maliliit na grupo
  • Maglaro ng extra game or kumanta ng isang awit sa pagtatapos ng session para maitaguyod ang samahan ng grupo
  • Magpares-pares ng mag-uusap kung gusto mong mas dumalas ang interaksyon nila.

Makakatulong ito sa pagpapalakas ng loob ng mga tao para sumali. Kapag hinayaan mo silang mamili ng grupo nila, ugali ng tao na makipagtrabaho lang sa pare-parehong kakilala kaya di bumubuti ang koneksiyon nila sa iba. Marami rin ang may malaking takot sa social rejection kapag hiniling na bumuo sila ng sari-sariling grupo. Ang paglalaro ng grouping games para maitaguyod ang mga grupo ay nakakadagdag ng kasayahan. Puwede mong bigyan ng numero ang bawat player o magbigay ng cards at sabihin sa kanila na makigrupo sa mga may kahalintulad na numero. Puwede mo ring gabayan ang mga tao na sumali sa iba’t ibang grupo.

100% Completed
Makakatulong na tips para sa facilitator #1 – SCP H2H Facilitator’s Manual