Makakatulong na tips para sa facilitator #2

Pangangasiwa ng venue at resources

Mahalagang masigurado na ang mga silya at mesa ay nakaayos at handa na para sa session. Kung posible, sa simula ay ayusin ang mga silya na nakapaikot o parang horseshoe ang hugis. Makakatulong ito sa pagtataguyod ng mas friendly na kapaligiran.

Pagprotekta sa privacy

Mahalagang protektahan natin ang privacy kapag pinag-uusapan ang mga sensitibong isyu. Ang isang paraan para gawin ito ay ang pagbibigay ng mga sitwasyong nagsasalarawan nito bilang basehan ng usapan.

Ang isa pang paraan ay ang pagtatanong sa mga tao kung may ibang taong kasama sa ikukuwento nila. Kung medyo sensitibo ang pag-uusapan, dapat nilang protektahan ang privacy ng mga taong iyon sa pamamagitan ng hindi pagbanggit sa mga pangalan nila o sa pagtrato na tila ibang karakter silang ikinukuwento gamit ang third person.

Pakikipagtrabaho sa participants na may iba’t-ibang kakayahan

Sa lahat ng mga grupo at kasali, sadyang iba-iba ang kakayahan ng mga participant sa pagbabasa at pagsusulat. Anuman ang kanilang literacy level, may kapansanan man o wala, mahalagang maiparamdam sa lahat ng participants na kasali sila at hinihikayat silang makisali nang buo sa mga activity.

Ang mga puwedeng gawin ay ang pagbabasa nang malakas ng mga scenario sa kanilang lahat bago ibigay ito sa mga indibidwal na grupo para pag-usapan nila, at ang paggamit ng mga picture o drawing imbes na nakasulat na mga salita sa handouts.

Kung hindi nararapat na ipamigay ang information sheets, sabihin sa mga participant na magisip ng maiuuwi nilang mensahe o impormasyon na puwede nilang ikuwento sa mga kaibigan at kapamilya. Kung may kasama sila sa bahay na marunong magbasa, puwedeng iuwi ang mga sheet at ibahagi ito sa kanila.

Ang mga may kapansanan ay maaaring mangailangan ng special na atensiyon. Ipaalam sa Save the Children ang kanilang mga pangangailangan sa training at pagtutulungan nating makahanap ng solusyon upang makarating ang training na ito sa kanila.

Pagsaasma ng relihiyoso at kultural sa mga pananaw

Sa pag-uusapang topics, posibleng patatagin ang core values ng mga relihiyon o kulturang kinabibilangan ng mga participant. Sa diskusyong magaganap matapos ang games, dito makakapagbahagi ang mga participant ng values na itinuro ng kanilang mga magulang at ng mga paniniwalang relihiyoso o kultural sa kanilang lipunan. Kung magdadagdag ka ng impormasyong kaakibat ng pagtuturo ng relihiyon o kultura, siguraduhing ilalarawan mo kung ano ang pagkakaiba ng mga itinuturo sa relihiyon at kultura mula sa medical facts.

Gamitin ang oportunidad na ito para magkaroon ng magkakaparehong mensahe sa programa, tulad ng kahalagahan ng respeto at responsibilidad sa bawat relasyon. May pagkakataong kakailanganin mong ipakita ang pagkakaiba ng turo ng relihiyon, kinagawian sa kultura at ng batas, o ng turo ng relihiyon at kultura at ng medical facts. Mas makakatulong as mga magulang kapag nalinaw ito. Sadyang magbigay ng mga scientific information sa paraang komprehensibo at walang kinikilingan. Hikayatin ang mga H2H parents na pag-usapan ang mga bagay na ito sa mga kapwa magulang o VYAs.

100% Completed
Makakatulong na tips para sa facilitator #2 – SCP H2H Facilitator’s Manual