Makakatulong na tips para sa facilitator #3

Monitoring at Evaluation

Magtago ng record ng attendance para maintindihan ng mga evaluator kung gaano karaming participants ang nakakakumpleto ng buong programa.

Magtago ng record ng activities na nakumpleto at hindi ginawa. Para maipaalala mo sa sarili, itala mo rin kung alin sa activities ang epektibo, anong mga pagbabago ang ginawa mo sa programa, at mga kinakailangan mong karagdagang gabay o impormasyon. Makakatulong ang impormasyong ito pagdating ng evaluation. Matutulungan ang project team na ayusin ang programa bago pa ito ipatupad nang mas malawakan.

May kalakip na monitoring tool sa Monitoring and Evaluation section ng H2H Manual of Operations.

H2H Evaluation

Puwedeng pakiusapan ang mga participants ng programa na sagutan ang evaluation survey pagkatapos ng anim na sessions. Makakatulong ito sa evaluation ng project. Kung pipiliin mong magbigay ng survey, ipangako mo sa mga participant na ang impormasyong kukunin mo sa kanila ay mananatiling confidential. Hindi kinakailangang ilagay ng mga participant ang pangalan nila sa survey.

Kolektahin mo ang survey sa isang kahon pagkatapos nilang sagutan, at huwag mong titingnan ang bawat sagot hangga’t hindi pa nakakaalis ang lahat ng mga participant. Isang mas bukas na diskusyon ang puwedeng maganap kung saan puwedeng magbigay ng rekomendasyon ang mga participant kung magbibigay ba ng panibagong session para sa iba pang magulang, at hihingin din ang opinyon nila tungkol sa kung ano ang mas kapaki-pakinabang at nakatutuwang bahagi ng project, pati na rin mga ideya kung paano pa ito pagbubutihin. Isang evaluation tool ang kalakip sa M and E section.

100% Completed
Makakatulong na tips para sa facilitator #3 – SCP H2H Facilitator’s Manual