
Objectives | • Maging pamilyar ang mga participant sa mga miyembro ng grupo nila • Maging mas kumportable ang mga participant sa bawat isa |
Description | Warm up game |
Materials | • Name tags • Panulat • Human Bingo resource handouts • Pens |
Oras | 30 minutes |
Instructions
1. Sabihin ang script na ito:
Sa araw na ito, susubukan nating mas kilalanin ang ating mga sarili bilang mga magulang o guardian. Mas kilalanin natin ang isa’t-isa bilang tao at kung paano natin mas pinapahalagaan ang sarili natin at paano din tayo nakikitungo sa ibang tao. Mahalaga ito sa pagiging isang magulang o guardian sa ating mga very young adolescents o VYAs. Ang mga activities natin ngayon ay makakatulong din kung paano natin mas maiintindihan ang iba’t-ibang gawain natin sa loob ng anim na buwan.
Sa unang session na ito, malalaman natin ang mga isyung nasa saloobin ng mga magulang o guardian habang ang mga anak, apo o pamangkin nila ay nagdadalaga’t nagbibinata na. Pag-iisipan natin kung paano nakakaapekto sa buhay natin at buhay ng ating mga anak ito, para mas lubos nating maintindihan ang pangangailangan nila, at para makaisip din tayo ng mas mainam na paraan sa pakikipag-usap sa kanila. Pero bago ang mas malalim na diskusyon patungkol dito, marapat lamang na kilalanin muna natin ang isa’t-isa sa pamamagitan ng isang laro.
Itanong ito: Sino ang nakapaglaro na ng bingo sa inyo? Ngayon ay maglalaro tayo ng bingo upang mas makilala natin ang isa’t-isa.
Bigyan ng isang Human Bingo sheet ang bawa’t participant. (Hinihikayat na lagyan ng drawing o larawan ang bawat hinihingi sa kahon.)
2. Kumpletuhin ang mga kahon sa Bingo sa abot ng makakaya nila.
Mag-iikot-ikot at magtatanong sila sa kapwa kasama na isulat ang mga pangalan at kasagutan nila sa bawat kahon sa Human Bingo sheet. Depende sa dami ng dami ng participants, pwedeng isulat ang bawat participant ang kanilang sariling pangalan sa Human Bingo sheet nang isang beses lamang.
3. Ang unang tatlong taong makakakumpleto ng kanilang Human Bingo Sheet ang mananalo.
