Activity Plan 2: Pagpapakilala – Ball Toss Game
Objectives• Maging pamilyar ang mga participant sa mga miyembro sa grupo nila
• Maging mas kumportable ang mga participant sa bawat isa
DescriptionWarm up game, getting to know
Materials• Name tags
• Small ball or paper rolled into lightweight balls
Oras15 minutes

Instructions

1. Ayusin ang mga participants nang pabilog nang nakaharap sa isa’t-isa.

Sa exercise na ito, susubukan nating lahat na alamin ang pangalan ng isa’t-isa sa mas maliliit na grupo.

2. Ipakilala at banggitin ng bawat participant ang pangalan nila.

Ulitin ito ng isa o dalawang beses at ipaalala sa grupo na dahan-dahanin at linawin ang pagbanggit nila sa pangalan nila para marinig ng lahat, at para mas matandaan ng lahat ang pangalan ng iba.

3. Sabihin ang script na ito:

Sa simula, ang taong may hawak ng bola ay magbabanggit ng pangalan ng sinumang kagrupo niya, tapos ihahahis ang bola sa kanya.

Ipakita mo kung paano ito gawin.

“Ang taong makakasalo ng bola ay kailangang titigan ang isa pang kagrupo niya, tatawagin ang pangalan niya, at ihahagis ang bola sa kanya. Kung nakalimutan mo ang pangalan ng tao at gusto mong maalala ito, puwede mong tanungin sa kanya. Kung gusto mo, puwede mo ring ihagis ang bola sa taong naghagis sa iyo nito.

100% Completed
Activity Plan 2: Pagpapakilala – Ball Toss Game – SCP H2H Facilitator’s Manual