Activity Plan 3: Knowing Thyself – Body Map
Objectives• Siyasatin ang sariling values, pag-uugali, at pamantayan tungkol sa relasyong seksual at panlipunan
• Maging kampante ang mga participant sa pakikipag-usap sa ibang tao tungkol sa gender, sexuality, at kalusugan.
DescriptionSelf-exploration na laro at reflection
Materials• 1 buong manila paper
• 1 marker o pen bawat participant
• Coloring materials
Oras60 minutes

Instructions

1. Sabihin sa mga participant na magpares-pares sila.

2. Bigyan ang bawat pares ng dalawang piraso ng manila paper at drawing pens.

Ipalatag mo ang bawat papel sa sahig.

3. Sa bawat pares, sabihin mong humiga ang isa sa kanila sa manila paper.

Tapos ite-trace ng kapares niya ang kabuuang hugis ng katawan ng nakahiga sa papel. Pagkatapos, magpapalit sila at uulitin ito.

4. Sa outline ng katawan nilang naka-drawing sa papel, ipadrawing mo sa kanila ang mga linya sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang sagot nila sa mga sumusunod na tanong.

Puwede ring iguhit na lang sa halipna isulat (lalo na’t kung may mga hindi nakakabasa o nakakasulat sa grupo).

  1. lower left leg – negative traits (negatibong katangian)
  2. lower right leg – what other people say about you (sinasabi ng iba tungkol sa iyo)
  3. upper left leg – positive traits (positibong katangian)
  4. upper right leg – unforgettable moment (hindi makalimutang pangyayari sa buhay)
  5. left hip – give information about sex (impormasyon tungkol sa sex)
  6. right hip – opinion on sex (masasabi sa sex) (saan unang narinig ang salitang sex)
  7. left breast – what/who makes you happy (nagpapasaya sa iyo)
  8. right breast – what/who makes you sad (nagpapalungkot sa iyo)
  9. left arm – physical changes (pagbabago sa katawan)
  10. right arm – habits (kinagawian)
  11. heart – important people to you (importanteng tao para sa iyo)
  12. head, left side – goals in life (mithiin sa buhay)
  13. head, right side – achievements in life (nakamit sa buhay)
  14. *outer layer, sabihin sa kanilang magdrawing pa o lagyan ng dekorasyon ang paligid batay sa kung paano nila pinapakita o hinahayag ang sarili nila o aspekto ng pagkatao nila


Paalala para sa Facilitator: Maaaring ihinto ang video tuwing lalabas ang panuto ng bawat parte ng katawan para maisulat ito ng mga participants.

5. Sa bawat bahagi ng katawan, hikayatin mong pag-isipang mabuti ng mga participant ang mga tanong o ang instructions kung ano ang pinapagawa sa kanila.

Magbigay ng sapat na oras para sa kanilang pagmumuni-muni. Sabihin sa kanilang ito ang unang hakbang sa pagkilala sa sarili.

6. Siguraduhing komportable sila sa exercise na ito, dahil baka ito ang unang beses na gagawin ito ng iba sa kanila at di sila sanay.

7. Huwag kang pipili ng isang pares o tao para magbahagi ng body map nila.

Personal reflection ang exercise na ito, para makapagmuni-muni sila sa kanilang mga nararamdaman, paniniwala, at ambisyon.

8. Sa pagproseso ng activity, simulan mo ang usapan sa pagtanong ng mga sumusunod:

  1. Anong naramdaman ninyo sa activity? Nahirapan/nadalian ba kayo?
  2. Naging malinaw ba sa inyo ang inyong goals/mithiin at mga achievements/nakamit sa buhay?
  3. Saan at kalian ninyo natutunan ang mga bagay na may kinalaman sa sex at reproductive health?
  4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong personalidad?
  5. Bigyan diin ang mga bahagi ng katawan na may kinalaman sa sex, love, at goals. Anong masasabi ninyo tungkol dito?
  6. Ano sa palagay ang layunin ng activity?
  7. Ibuod ang usapan sa pagpapakita ng Body map figure na ito.

9. Sabihin ang Key Message o pangunahing mensahe ng activity.

Para matulungan at maintindihan natin ang mga pananaw ng iba, lalo na ng mga kabataan, mahalagang maintindihan muna natin ang sarili natin. Para magkaroon tayo ng makabuluhang partisipasyon at pagkatuto sa anim na buwang mga session dito, mahalagang tuklasin natin ang pagkatao at saloobin natin para malaman kung ano ang mga isyu at alalahanin natin sa buhay na hindi pa natin lubusang hinaharap, lalo na kung ang mga ito ay magkakaroon ng epekto sa buhay natin sa hinaharap. Kaya ang kasabihan natin, “Ako ay kung sino ako.”

Key Message

100% Completed
Activity Plan 3: Knowing Thyself – Body Map – SCP H2H Facilitator’s Manual