Activity Plan 4: Values Clarification
Objectives• Maging handa at malinawan ang lahat sa gagawin sa Session 3
Description• H2H attendance sheet and feedback form
• Ballpen or markers
• Nametags
• Projector (if available)
• Manila Papers
• Masking tape
• Sanitary pads
• Mga Pagbabagong Emosyonal handouts
• Adolescent Hygiene Checklist handout
Materials
Oras4 na oras

Instructions

1. Hatiin mo ang lugar ninyo sa dalawa.

Ang kanang bahagi ay para sa “agree” at ang kaliwang bahagi ay para sa “disagree.” Ilagay mo ang agree at disagree signs sa mga bahaging ito.

2. Palinyahin mo ang mga participant sa gitna, sa isang linya na nakaharap sa iyo.

Sabihin mo sa kanilang babasahin mo isa-isa ang mga statement sa listahan. (Tingnan sa ibaba).

3. Papuntahin sila ayon sa kanilang pagsang-ayon.

Kung sila ay sumasang-ayon, sa kanang bahagi sila pupunta kung nasaan ang “agree” sign, at kung hindi sila sang-ayon, sa kaliwa sila pupunta kung nasaan ang “disagree” sign.

4. Sa bawat statement, pumili ka ng (2-3) volunteers mula sa magkabilang bahagi na magpapaliwanag kung bakit sila agree/disagree.

Pagkatapos nilang magsalita, bigyan mo ang mga participant ng pagkakataong ibahin ang kanilang posisyon. Huwag kang magbibigay ng sarili mong pananaw. Makinig ka lang sa mga naiisip nila at sa pag-unawa nila sa mga statements. Siguraduhin mong laging may safe space sa grupo kung saan puwede silang magsalita at magbahagi ng kanilang mga naiisip at opinyon. Kung kinakailangan, ipaalala mo ang mga ground rules ninyo.

Statement

“”Mas gusto ko ang tsokolate kaysa sa ice cream, agree o disagree?” Pwede na kayong mag-move sa right side kung nag-aagree kayo, at sa left side naman kung nagdidisagree.”

Kung sila ay nakapagdesisyon na, tanungin mo kung sino ang gustong magvolunteer upang ipalawanag ang sagot nila. 2-3 participants lamang ang puwedeng sumagot.

Magpatuloy at banggitin ang mga sumusunod na statement.

  1. Mas gusto ko ang tsokolate kaysa sa ice cream.
  2. Mas mapagmahal ang mga Nanay kumpara sa mga Tatay.
  3. Mas gusto ko ang mga bundok kaysa sa dagat o beach.
  4. Ang lahat ng kabataan ay dapat manatiling birhen hangga’t hindi pa sila ikinakasal.
  5. Dapat ay may alam ang mga teenager sa paggamit ng condom at dapat mayroon silang nakukuhang libreng impormasyon tungkol dito at libreng condom na rin.
  6. Tanggap ko kung ang kaibigan ko ay bakla o lesbiyana.
  7. Tanggap ko ang anak ko o ang kapatid ko kung siya ay bakla o lesbiyana.
  8. Ang mga edad 18 years old at pababa ay hindi pa dapat nabubuntis.
  9. Ang mga taong nagkaroon ng HIV ay walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili nila.
  10. Ang mga taong may kapansanan ay di na dapat turuan ng karapatan ukol sa sexuality at reproductive health

5. Sa pagproseso ng activity, itanong ang mga sumusunod sa participants:

  1. Ano ang pakiramdam mo tungkol sa activity na ito?
  2. Madali bang ipakita o ibahagi ang values mo sa ibang participants? Bakit?/Bakit hindi?

6. Ibahagi ang Key Message o pangunahing message ng activity

Lahat tayo ay may kanya-kanyang values o opinyon na matagalang hinubog ng sarili nating mga paniniwala, kapaligiran, at kalagayan sa buhay. Kaya lang, may ibang tao na hindi natin kapareho sa mga values o opinyon. Ang mahalaga, kailangang igalang natin ang pagkakaiba ng opinyon natin, at okay lang na magkakaiba tayo. May mga tao ring mas malala ang kalagayan sa buhay dahil nakaranas sila ng sobrang trauma sa mga pinagdaanan nila (sexual na pang-aabuso, karahasan) kaya hindi dapat tayo agarang manghusga ng iba.

Key Message

100% Completed
Activity Plan 4: Values Clarification – SCP H2H Facilitator’s Manual