
| Objectives | • Para maintindihan nang mas maigi ang Rights of Adolescents • Para pahalagahan ang mga karapatan ng mga VYAs at bakit kailangang malaman ng mga magulang o guardian ang mga karapatang ito |
| Description | Self-reflection and understanding |
| Materials | • Metacards • Manila paper • Markers or pens |
| Oras | 45 minutes |
Instructions
1. Sabihin sa mga participant na pag-isipan ang karapatan ng mga kabataan.
Puwede silang magbahagi ng tig-iisa nito. Puwedeng isulat ng facilitator ang mga sagot nila sa manila paper o metacard. Puwede ring sila mismo ang magsulat o magdrawing nito.
2. Igrupo ang mga kasagutan sa apat.
Sabihin sa kanilang ang karapatan ng mga kabataan ay nahahati sa apat na kategorya.
| Mabuhay (Survival) | • Karapatan sa mataas na kalidad na serbisyong pangkalusugan • Karapatan sa malinis na tubig • Karapatan sa masustansiyang pagkain, malinis na kapaligiran, at lumaki sa pagmamahal at mapagkalingang pamilya |
| Umunlad (Development) | • Karapatan sa lahat ng uri ng edukasyon, pormal at hindi pormal, at karapatan sa batayang antas ng pamumuhay na sapat para sa pisikal, mental, ispiritwal, moral at sosyal na pag-unlad ng bata. |
| Maproteksyonan (Proteksyon) | • Karapatang maging ligtas sa lahat ng pagkakataon. Ang mga bata ay may karapatan na maproteksyunan mula sa anumang uri ng karahasan. Karapatan din ng mga bata ang pagdidisiplina na walang pananakit at may pagrespeto sa kanyang pagkatao. |
| Makilahok (Participation) | • Karapatang makapagpahayag at mapakinggan ang sariling pananaw at saloobin. May karapatan ang mga bata na bumuo o sumali sa isang samahan hangga’t hindi ito nakakatapak sa karapatan ng iba. |
3. Sa pagproseso ng activity, itanong ang mga sumusunod sa participants.
a. Ano sa mga karapatang ito ang bago sa pandinig ninyo? Bakit?
b. Masasabi mo bang nararanasan at nagagampanan ng mga anak mo ang mga karapatang ito? Bakit? Bakit hindi?
4. Ibahagi ang Key Message o pangunahing message ng activity.
Lahat ng tao ay may basic rights, o karapatan. Ang mga karapatang ito ay para sa lahat ng uri ng tao, anuman ang kanilang lahi, kulay ng balat, gender, lingguwahe, relihiyon, opinyon, pinanggalingan, yaman, estado noong pinanganak sila, o abilidad. Hindi lang mga matatanda ang may karapatan – ang mga bata ay may karapatan din. Pero dahil sa maliliit pa ang mga bata at inaalagaan pa, hindi tuloy naiisip ng mga matatanda na mga tao rin naman ang mga bata na may karapatang pantao rin.
Key Message
Noong 1989, ang mga lider ng iba’t ibang bansa ay nagsama-sama para gumawa ng isang treaty o kasunduan na tinutukoy ang iba’t ibang karapatang pantao ng kabataan. Gusto nilang siguraduhing ang lahat ng bata sa mundo ay may mga karapatan din. Ang tawag sa treaty na ito ay Convention on the Rights of the Child, at pinagtibay na ito ng halos lahat ng bansa sa buong mundo kasama na ang Pilipinas.