Preparasyon
Imbitahan lahat ng mga H2H parents na makakasama sa loob ng anim na buwan. Sabihin sa kanila ang petsa at venue ng H2H session 1.
Pumili ng venue or lokasyon na malapit sa lahat. Maaring gawin ito sa eskwelahan o sa isang function hall. Makipag-ugnayan sa Save The Children Manager or Coordinator upang makahanap ng maayos na venue.
Objectives | • Maging handa at malinawan ang lahat sa gagawin sa Session 1 |
Description | • H2H Attendance Sheet and Feedback Form • H2H Pre-test Questionnaire • H2H Orientation powerpoint slide or visual aid • Ballpen or markers • Nametags • Projector (if available) • Manila papers (Body Map) • Printed copies of Human Bingo Sheet • Light weight balls • Masking tape |
Oras | 4 na oras |
Instructions
1. Batiin ang mga participant at bigyan sila ng name tags sa pagpasok nila sa session.
Batiin ang mga participant at bigyan sila ng name tags sa pagpasok nila sa session.
“Hello! Welcome po sa Heart to HEART program! Masaya kami at nandirito na naman po tayo para maging bahagi ng programang ito. Ang bawat isa sa inyo ay magulang o guardian ng isang adolescent na nasa edad 10-14. Nasabi na po sa Orientation ito, pero uulitin ko lamang po, sa loob ng anim na buwan, makikilala ninyo ang isa’t isa at sisikapin nating matutuhan kung paano intindihin at paano magkakaroon ng mas bukas na komunikasyon sa inyong mga anak, pamangkin, o apo.
Matututo din tayo dito ng impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health, children’s rights, pagbabago na mararanasan nila habang sila ay nagdadalaga at nagbibinata, pati na rin sa usaping gender, at mga sensitibong paksa tulad ng pakikipagrelasyon o pag-ibig, sex, pagbubuntis, at iba pa na importante sa buhay nila. Matututo rin kayo dito ng mga paraan para maipasa ang mga kaalamang ito sa kanila.
Halos ng lahat ng gagawin natin ay idadaanan natin sa laro o games, para mas ma-enjoy natin ang activities o sessions dahil magkakasama tayo sa loob ng anim na buwan. Sa ikatlo at ikalimang buwan, tayo ay magkakaron ng fieldtrip o pagbisita sa isang rural health unit o RHU o kaya barangay health station na malapit sa inyong mga lugar, lalo na kung ito ay malapit lamang sa inyo. Pero kung malayo ito, sisikapin nating makapag-imbita ng doktor, nurse, o midwife mula sa RHU o ospital. At sa ating ikaanim na buwan o huling buwan na magkakasama, magkakaroon tayo ng simpleng graduation kung saan kasama natin ang inyong mga anak, apo, o pamangkin. Exciting, ‘di ba?”
2. Expectation Setting at Ground Rules
Sabihin mo ito:
“Noong orientation naibahagi natin ang ating mga expectations at ground rules. Ito ang napag kasunduan natin. (Ipakita ang drawing ng expectations at ground rules).”
3. Daily Feedback Journal o Diary
Tanungin sila kung dala nila ang kanilang Daily Feedback Journal or Diary. Bigyang-diin na ang mga journal ay pribado dapat, at ipapabasa lang sa kanila kung ano ang kumportable silang ibahagi.
4. Pre and Post Test Questionnaire
Siguraduhin na lahat ng kalahok sa loob ng anim na buwan ay sasagot ng pre-test sa unang bahagi ng programa at post-test sa huling session ng H2H program. Ito ay tutukoy kung gaano kalalim ang kanilang natutunan sa loob ng anim na sessions. Makikita ang pre and post test questionnaire sa H2H Manual of Operations.
Ipasagot ang pre-test questionnaire kung may magulang o guardian na hindi pa nakasagot bago magsimula ang session.
5. H2H Orientation Presentation and Launching
Siguraduhin na lahat ng kalahok sa loob ng anim na buwan ay naiintindihan at handang sumama sa lahat ng sessions. Kung sila ay sumasangayon at walang katanungan ibahagi sa kanila ang gagawin sa Session 1 sa loob ng apat na oras.