Activity Plan 1: Mga Pagbabago at Transpormasyon
Objectives• Para matukoy ang positibo at negatibong aspeto ng paglaki para sa mga lalaki at babae
• Pag-usapan ang pangunahing pagbabago na nangyayari kapag puberty
Description• Self-reflections, drowing, diskusyon
Materials• Malaking sheets ng papel para sa body mapping exercise
• Sample na piraso ng sanitary pads at cloth
• Questions box at maliliit na papel
Oras90 na minuto

Instructions

Nagbabagong Katawan

Mga Pagbabago sa Katawan ng Nagdadalaga at Nagbibinata

1. Bigyang-diin na sa susunod na activity, ang pokus ay sa lahat ng pagbabagong nagaganap sa katawan ng mga lalaki at babae kapag puberty.

2. Hatiin ang participant sa apat na grupo.

Dalawang grupo ang nakatutok sa kababaihan at dalawa ang nakatutok sa kalalakihan.

3. Bigyan ang bawat grupo ng isang malaking sheet ng papel.

Sabihin sa kanilang idrowing ang paligid na outline ng katawan ng isang volunteer na hihiga sa papel. O kaya, magdrowing sila ng hugis ng buong katawan sa isang mas maliit na papel.

4. Sabihin sa participants na ilista o idrowing sa katawan ang mga pagbabagong nagaganap sa puberty.

Bigyan mo ng pagkakataong makumpleto ng ilang grupo ang task na para sa lalaki at ang ilan ay para sa babae.

5. Sabihin sa participants na mag-drowing ng lahat ng pagbabagong nagaganap sa lalaki at babae sa edad na 10-14.

Gawin ang drowing sa loob ng outline ng katawan na ginawa kanina.

Tanungin ito sa kanila:

  • Ano ang nagkakaroon?
  • Ano ang tumutubo?
  • Ano ang lumalaki?
  • Ano ang lumalapad?

6. Tingnan ang Changes at Puberty fact sheets para matulungan ang mga grupo sa pagtukoy ng mga pagbabago na nakaligtaan nila.

7. Pagkatapos ng mga grupo, humingi ng tig-isang grupo para mag-present (isa para sa lalaki at isa para sa babae). 

Puwedeng magkomento ang ibang grupo at magdagdag kung may kulang sa diagram ng nagpe-present.

Ang lahat ng tao ay dumadaan sa maraming pisikal at emosyonal na pagbabago kapag puberty. Mahalagang alam natin ang mga pagbabagong ito sa simula pa lang para hindi tayo nagugulat nang husto kapag dumating na. Hindi dapat ikinahihiya ang mga pagbabagong ito kapag puberty – bahagi ito ng paglaki, pagtanda, at pagiging adult o matanda. Mas mahalaga ito para sa ating mga magulang at guardians para mas naiintindihan natin kung ano ang pinagdaraanan ng mga bata habang lumalaki sila.

Key Message

Ano ang Menstruation?

1. Ipaliwanag mo ang “menarche.”

Isa sa mga pagbabagong kinakaharap ng mga babae kapag puberty ay ang pagdating ng menstruation o pagreregla.

2. Gamitin ang Menstruation factsheet para magbigay ng basic na impormasyon tungkol sa pagreregla.

Habang nagpapaliwanag ka, mas mainam kung gumuhit ka ng isang simpleng diagram tulad nitong nasa ibaba. (Gamitin ang fact sheet sa menstruation para magabayan ka sa paggawa ng diagram)

The Positives and Challenges of Growing Up

1. Sabihin mo ito:

“Ang paguusapan natin ay ang mga positibo at negatibong experiences habang tayo ay nagdadalaga at nagbibinata. Bumuo ng apat na grupo.”

2. Bigyan ang bawat grupo ng isang flipchart

Ipasulat sa kanila rito ang mga positibong bagay tungkol sa paglaki sa isang bahagi ng page at ang mga negatibong bagay naman sa kabilang bahagi ng page. Ang mga bagay na nasa gitna ng negatibo at positibo ay ililista sa may gitna ng page. Magtalaga ng ilang grupong gagawa ng para sa kababaihan at ang iba naman ay sa kalalakihan. (Kung naaangkop, magtalaga ng kahit isang grupong gagawa ng para sa transgender.)

3. Sabihin mo ito:

“Ipabasa sa bawat grupo ang listahan ng kanilang “positibong bagay.” Kung may gustong idagdag ang ibang grupo rito, isama sa listahan. Ipabasa sa iba pang grupo ang listahan nila ng “negatibong bagay.” Ilista rin kung may idagdagdag rito ang iba.”

4. Ikumpara ang listahan ng kalalakihan, kababaihan, at transgender.

Pansinin kung ano-ano sa mga nakalista ang magkakapareho at ano ang magkakaiba. Bigyang-diin na ang ilang bagay sa listahan ng mga challenges ay may kinalaman sa sex – mga biological differences ito. Mga bagay ito na nariyan na noong pinanganak tayo. Bigyang-diin na ang ibang challenges ay may kinalaman sa gender. Apektado ito ng ating kultura at kasaysayan at ng naging paraan ng pagtatakda kung ano ang dapat gampanan ng mga kalalakihan at kababaihan. Napapapaniwala tuloy tayo na ang mga bagay na ito ay bahagi ng pagiging lalaki o babae dahil ganito ang laging nagaganap sa lipunan. Pero ang mga bagay na ito ay nababago, at marami sa kanila ay nagbago na sa paglipas ng panahon.

5. Sabihin sa mga grupo na markahan ang mga bagay sa listahan na sa tingin nila ay naging totoo para sa mga magulang at mga lolo at lola nila.

May iba kayang positibong bagay o challenges na kinaharap ng mga magulang, lolo at lola nila noong sila naman ang bata? May mga nagbago ba sa mga nakaaapekto sa kabataan? Ano naman kaya ang karanasan nila sa pagiging magulang?

Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

Para sa mga kalalakihan

Maganda o positibong bagay sa paglakiNegatibong bagay sa paglaki
IndependencePeer pressure
Romantikong relasyonPressure na sumuong sa panganib
Makakilala ng bagong kaibiganPimples
Dagdag na responsibilidadPagiging confused o lito
Kalayaang ihayag ang gusto moStress sa trabaho o pag-aaral
Madiskubre ang bagong talentoDiskriminasyon
Pressure na kumita ng pera

Hugis at laki ng katawan

Sa panahon ng puberty, mabilis na mag-iiba ang katawan ng batang lalaki at maraming pagbabago. Para sa karamihan, ang mga pagbabago ay aabot ng mga dalawang taon pagkasimula ng puberty. Lalapad ang mga balikat at lalaki ang muscles. Ang ilang lalaki ay magkakaroon ng pansamantalang pamamaga sa ilalim ng nipples.

Pagbabago ng boses

Kapag puberty, mag-iiba ang boses ng batang lalaki. Dahil lumalaki ang larynx (o voice box) pati ang muscles o vocal cords, sinasabing may “break” o “crack” ang boses, medyo pumipiyok. Normal na proseso ito ng paglaki. Sa paglaon, nagbabago rin ang timbre ng boses at nagiging permanenteng mas malalim na ito.

Pagbabago ng reproductive organ

Puberty ang simula ng pinakamaraming pagbabago sa reproductive organ. Lumalaki at umiitim ang scrotum, at sinusundan ng parehong testicles ang paglaking ito. May paglawak at paghabang nagaganap sa penis, at mas umiitim din ito. Minsan mas mabilis ang paglaki ng isang testicle kaysa sa isa, at natural lang na mas mababa ang paglawit ng isa kaysa sa isa. Lumalaki rin ang internal ducts at glands ng reproductive system kapag puberty.

Pubic Hair

Ang unang pubic hair sa mga lalaki ay kadalasan sa may scrotum lalabas o sa itaas na base ng penis. Kakapal at iitim ang mga buhok na ito ng ilang taon. Dagdag sa pagtubo ng buhok sa katawan ng batang lalaki, tumutubo rin ito sa mukha tulad ng balbas, bigote, o patilya. Kadalasan, mas manipis ang mga ito sa umpisa pero kakapal at iitim din sa pagtatapos ng puberty.

Erection

Nagaganap ang erection kapag tumitigas at humahaba ang penis ng batang lalaki. Kadalasang nagaganap ito kapag may naiisip na romantiko o sexual na bagay ang bata, o bilang resulta ng pisikal na paggalaw. Pero kadalasan kapag puberty, minsa’y bigla at madalas na lang magkakaroon ng erection ang bata kahit walang anumang stimulation o paggalaw. Kadalasang nagdudulot ng kahihiyan ang biglaang erections, pero hindi naman napapansin ng iba ito at ang bata lang ang mas nakakaramdam nito. Kapag hindi iniisip ng bata ang erection o ibinabaling nila ang pag-iisip sa ibang bagay, kusa itong nawawala. Normal lang ang biglaang erection na ito at ebidensiya ito na nagma-mature na ang katawan. Nangyayari ito sa lahat ng batang lalaki kapag puberty, pero dadalang at dadalang din ito sa paglaon.

Wet dreams

Maaaring magkaroong ng tinatawag na “wet dreams” ang mga batang lalaki kapag natutulog. Ang wet dreams ay sanhi ng ejaculation na nagaganap kapag tulog sila, pero di ibig sabihin ay nananaginip ang bata tungkol sa mga sexual na bagay. Ang “wet” na tinutukoy dito ay ang semen. Hindi dapat ikahiya ang wet dreams dahil natural ito at nangyayari rin sa maraming tao. Hindi rin dapat ikabahalang walang wet dreams ang iba dahil hindi naman nakararanas ang lahat ng ganito.

Amoy sa katawan

Kapag puberty, aktibo ang sweat glands dahil sa pagdami ng hormones at protina. Dumarami rin ang paggawa ng balat ng langis sa bandang kili-kili at genital area. Maaaring mapansin ng mga lalaki na tumitindi ang amoy ng katawan nila. Normal lang ito, kaya kailangang maligo lagi (kahit isang beses kada araw). Matapos ang puberty, makakatulong ang paggamit ng antiperspirant (deodorant) sa pagpapahinay ng pawis, at makakapigil din sa pagdami ng bacteria.

Para sa mga Kababaihan

Maganda o positibong bagay sa paglakiNegatibong bagay sa paglaki
IndependenceDysmenorrhea
PakikipagrelasyonStressful na karanasan
Puwedeng magkaanakPimples
Dagdag na responsibilidadStress sa trabaho o pag-aaral
Kalayaang ihayag ang gusto moDiskriminasyon
Madiskubre ang bagong talentoPressure na tumulong sa gawaing bahay

Hugis at laki ng katawan

Habang papalapit ang puberty at kapag dumating na ito, nagsisimula nang magbago ang katawan ng batang babae at nagmumukha na itong katawan ng dalaga. Halimbawa, lumilitaw na ang suso, mas lumalaki ang puwit, at kumapakapal na ang hilera ng taba sa ilalim ng balat, na siyang dahilan kung bakit nahuhubog ang katawan at nagmumukhang feminine.

Breast Development

Kapag puberty, magsisimula nang lumaki ang suso ng batang babae. Dahil sa may kanya-kanyang panahon ang pagbabago ng katawan, hindi nakakagulat na sa magkakaparehong edad, may mga babaeng maliit pa lang ang suso habang lumaki na ang sa iba.

Ang unang organs na magpapakita ng breast development ay ang areola ng mammary gland – ito ang maitim na bahaging nakapaikot sa nipples. Kumakapal at umiitim talaga ang areola. Unti-unting uumbok ang suso, mukhang patusok sa una hanggang tuluyang lumaki at maging hugis-pabilog. Sa panahong ito, ang ilang babae ay makakaranas ng bahagyang pangangati o pamamaga sa suso.

Reproductive organ development

Kapag puberty, nagbabago ang reproductive organs ng mga babae. Ibig sabihin, hindi na ito magiging kamukha noong bata pa sila. Lumalaki na ang mga reproductive organs tulad ng panloob at panlabas na labia, clitoris, at vagina; may tutubong hibla ng buhok sa paligid ng vulva, at mangingitim din ang kulay ng vulva. Sa loob ng katawan, lalaki ang vagina at uterus. Magsisimula nang gumana ang dalawang ovaries at gagawa ito ng sexual hormones at maglalabas ng mga itlog (ovulation). Kakapal ang mucus membrane ng uterus pero magdi-discharge paminsan-minsan, na siyang dahilan ng pagreregla.

Menstruation

Ang pagreregla ay hudyat na ng simula ng ovulation ng isang babae at tanda ito ng paghahanda ng katawan niya sa pagbubuntis at panganganak. Maaaring irregular ang simula ng pagreregla, pero magiging regular din ito na kada buwan na ang daloy. Kadalasang nagtatagal ang pagreregla ng 3-7 na araw. Ang ilang babae ay puwedeng malakas ang daloy ng dugo sa pagreregla nila habang kaunti naman ang sa iba. Ang average na dugong dadaloy mula sa regla ay 35 milliliters, at ang normal na daloy ay nasa gitna ng 10-80 milliliters. Puwede nang magsimulang magkaregla ang batang babae ng 9 years old at may mga babaeng nagkakaregla lang kapag 17 o 18 na sila. Pero kapag umabot na sa 18 ang babae at wala pa rin siyang regla, puwede ninyo siyang dalhin sa doktor para magpakonsulta.

Kapag ang itlog ay na-fertilize o nalagyan ng sperm mula sa lalaki, gagamitin ng katawan ng babae ang “pugad” na ito para protektahan at alagaan ang itlog hanggang lumaki ito bilang isang sanggol.

Kapag hindi na-fertilize ang itlog, patuloy lang ito sa pagbaba hanggang umabot sa vagina at dala-dala na ang dagdag na dugo at tissue na hindi nagamit sa paggawa ng pugad. Ito ang tinatawag na pagreregla o menstruation. Kadalasang nagtatagal ang menstruation ng 4 hanggang 7 na araw. Sobrang liit ang itlog na ito kaya di mo ito makikita.

Makaraan ang dalawang linggo, isang panibagong itlog ang lalabas na naman sa ovary at uulit lang ulit ang pangyayaring ito. Ito ang menstrual “cycle” na kadalasang nagtatagal nang 28 na araw, pero puwede itong mas mahaba o mas maikli.

Iba-iba ang mga tao, pero sa pagdaan ng panahon, makikilala rin ng mga babae ang kanilang sariling menstrual cycle nang mas mabuti.

Vaginal Discharge

Kapag nasa puberty na ang batang babae, mapapansin nilang tila laging basa ang reproductive organs nila at may malagkit sa panty. Normal lang ito. Ang discharge ay kadalasang malinaw o maputi, minsa’y medyo makintab, o naninilaw.

Pubic hair

Sa pagdating ng puberty, nagiging mabuhok na ang mga babae, una ay lalabas ang pubic hair sa pubic bone at sa paligid ng ibabang genital area. Mapapansin din ng mga babae ang paglago ng buhok nila sa may binti at sa kili-kili.

Amoy sa katawan

Kapag puberty, aktibo ang sweat glands dahil sa pagdami ng hormones at protina. Dumarami rin ang paggawa ng balat ng langis sa bandang kili-kili at genital area. Maaaring mapansin ng mga babae na tumitindi ang amoy ng katawan nila. Normal lang ito, kaya kailangang maligo lagi (kahit isang beses kada araw). Matapos ang puberty, makakatulong ang paggamit ng antiperspirant sa pagpapahinay ng pawis, at makakapigil din sa pagdami ng bacteria.

Hygiene at Personal Care Products

May mga produktong pang-regla na nagagamit sa pagsalo sa dugo habang papalabas ito sa uterus. Ang pangkaraniwang ginagamit ay ang sanitary napkin at tela. Kapag kasisimula pa lang ng regla ng batang babae at hindi pa ito regular, baka kailangan niyang magbaon lagi ng napkin o tela. Kapag bigla siyang nagkaregla at wala siyang dalang napkin, puwede siyang gumamit muna ng malinis na tela o tissue.

Sanitary pads

Ang sanitary pad o napkin ang pahabang materyal na ginagamit para sumalo at sumipsip sa dugo mula sa regla. Minsan ay may “wings” ito o bahaging naititiklop sa gilid at may pandikit sa ilalim para hindi gumalaw sa panty. Dapat ay regular na pinapalitan ang mga napkin at itinatapon na pagkagamit. Iba-iba ang kapal at sukat nito – hanapin na lang ng babae kung ano ang tama at komportableng uri para sa kanya. Kailangang tandaan ng mga batang babae na magpalit ng napkin kada apat na oras at maging maingat sa paghuhugas ng kamay pagkatapos magpalit.

Reusable menstrual pads o “Pasador”

Ang pasador ay gawa sa ilang pinagpatong-patong na lumang tela. Kinakailangang lagi itong pinapalitan at nililinis. Kada gamit, labhan agad ito nang maayos gamit ang tubig at sabon. Kapag nalabhan na, mahalagang tutuyuin ito nang maayos dahil kung gagamitin ito nang medyo basa pa, puwedeng makapagdulot ito ng impeksiyon. Pinakamainam na pagpapatuyo dito ay sa ilalim ng araw. Ang paggamit ng telang hindi hinugasan at pinatuyo nang tama ay maaaring magdulot ng impeksiyon.

Tamang Pagtapon at Pag-alaga sa mga Materyal na Pangregla

100% Completed
Activity Plan 1: Mga Pagbabago at Transpormasyon – SCP H2H Facilitator’s Manual