Activity Plan 2: Mga Pagbabago sa Emosyon
Objectives• Mailarawan ang iba’t ibang emosyonal na pagbabagong nagaganap sa mga kabataan sa kanilang pagbibinata at pagdadalaga
Description• Self reflections, drawings, diskusyon
Materials• 4 piraso ng flipchart paper o 2 piraso ng manila paper
• Markers
• Masking tape
• Mga Pagbabagong Emosyonal handouts
Oras60 na minuto

Instructions

1. Hatiin ang mga participant sa dalawang grupo.

Bilang isang grupo o bilang indibidwal, bigyan sila ng 3 minuto para pag-isipan nila ang mga pagbabagong napapansin nilang pinagdaraanan ng kanilang mga adolescent. Ang mga pagbabagong ito ay dapat nakadugtong sa sumusunod na aspeto ng mga anak nila:

  • Sa pakiramdam o feelings nila tungkol sa sarili nila
  • Sa mood o kalagayan nila at sa kanilang mga saloobin
  • Sa pakikitungo nila sa kanilang mga magulang, kapatid o ibang kapamilya
  • Sa kanilang pakikipagkaibigan o sa kanilang girlfriend/boyfriend

2. Sabihan ang mga participant na gumawa ng dalawang pila sa harap ng isang pader o board kung saan nakadikit ang flip chart o manila paper.

3. Kapag nagbigay ka na ng signal, sabihan ang mga participant na pumunta isa-isa sa flip chart at isulat doon ang isang pagbabagong napansin nila (’yung napag-isipan nila kanina).

4. Ituloy ang prosesong ito hanggang sa dalawa o tatlong round.

Dapat siguraduhin ng bawat grupo na hindi paulit-ulit ang isusulat nila. Siguraduhin mong hindi sila nagkokopyahan.

5. Ang grupong may pinakamahabang listahan ang mananalo.

6. Tingnan ang mga sinulat na kasagutan ng bawa’t grupo, at pagsama-samahin ang magkakaparehong sagot.

Puwede mong gamitin ang mga aspetong nakalista sa Instruction No. 2 bilang gabay sa pagsasama-sama ng mga kasagutan.

7. Ipaliwanag ang dahilan ng mga pagbabagong ito at kung paano nito naaapektuhan ang ugali o asal ng mga adolescent. 

Gamitin ang handout tungkol sa Mga Pagbabagong Emosyonal para matulungan ka sa diskusyon. Hikayatin mong magtanong ang mga participant.

8. Kapag tapos na ang activity, itanong sa kanila ang mga sumusunod:

  • Anu-ano ang pakiramdam nila
  • Anu-ano ang natutunan nila
  • Anu-ano ang bago nilang natuklasan sa pagbabagong emosyonal ng kanilang mga anak

Mga Pagbabagong Emosyonal

Ang mga batang nagdadalaga at nagbibinata ay nagdaraan sa pisikal, biological at emosyonal na pagbabago. Ang emosyonal na pagbabago ay tumutukoy sa pagbabagong nararamdaman nila tungkol sa kanilang sarili, sa relasyon nila sa kanilang mga magulang at kaibigan, at mga pakiramdam sa pag-ibig.

Ang mga pisikal na pagbabago sa kanilang katawan at utak ay nakakaapekto sa pagtingin ng mga adolescent sa kanilang sarili. May epekto ito sa kanilang pakikipagugnayan sa mga tao sa buhay nila, tulad ng mga magulang. Ang mga feelings o pakiramdam na ito ay ang sumusunod:

  • Pagiging mas abala/tutok o nagiging mahiyain tungkol sa kanilang anyo at katawan, kasama na ang kanilang mga suot o porma. Napapaisip tuloy sila ng, “Normal ba ‘ko?”
  • Pagkakaroon ng crush o atraksyon sa ibang tao
  • Nagiging mas interesado o curious tungkol sa sex
  • Puwedeng maging curious sa mga gawain ng same sex partners
  • Nagiging mas mahalaga ang relasyon sa kanilang kaibigan, kasama ang pakiramdam ng pagiging tanggap o pagiging mahalaga nila sa mata ng mga kaibigan.
  • Mas binibigyan nila ng halaga ang opinyon ng mga kaibigan o kaedad nila kaysa sa sinasabi ng mga magulang o awtoridad sa eskuwelahan
  • Nagsusumikap na magsarili. Urong-sulong sa pagiging malapitin o rebeldeng lalayo sa pamilya
  • Patuloy sa pagsisikap na maitaguyod ang sariling pagkatao
  • Pagiging sumpungin, pagkakaroon ng emosyonal na pagsabog/bugso ng pakiramdam, o mas sensitibong pakiramdam
  • Maaaring sumalungat sa pananaw ng mga magulang o kinukuwestiyon ang awtoridad; maaaring hamunin ang mga patakaran
  • Mas mapangahas at bukas sa pagtanggap ng mga paghamon o bagong karanasan
  • Ipinipilit ang kanilang pangangailangan ng privacy o pagiging pribado, o independence (pagsasarili)
  • Ayaw tratuhin bilang bata

100% Completed
Activity Plan 2: Mga Pagbabago sa Emosyon – SCP H2H Facilitator’s Manual