Activity Plan 3: Paa, tuhod, balikat, ulo: Personal Hygiene at Good Grooming
Objectives• Magbigay ng mga rekomendasyon tungkol sa good grooming at pangangalaga sa kalusugan
Description• Demonstration na oobserbahan ng grupo gamit ang checklist
Materials• Adolescent Hygiene Checklist (Resource 7) handout
• Pens
Oras45 na minuto

Instructions

1. Imbitahan ang lahat na tumayo, sayawin, at kantahin ang “Paa-Tuhod-Balikat-Ulo”.

Ipakita ang bagong sayaw ng “Paa-Tuhod-Balikat-Ulo”

  1. Ihakbang ang kanang paa.
  2. Iliko ang kanang tuhod.
  3. Isunod ang kanang balikat at iikot.
  4. Itango ang ulo nang pababa at pataas.

2. Sabihin mo ito:

“Kung ang kantang ito ay may pagbabago, ganun din ang katawan ng isang nagdadalaga’t nagbibinata. Kaya dapat, alam ng mga magulang kung paano ituro ang tamang paglilinis ng katawan. Sa kanilang pagdadalaga at pagbibinata, kailangang taas-taasan na ang antas ng kaalaman nila tungkol sa pangangalaga sa kalusugan. Dahil sa nagbabago na ang katawan ng mga adolescent, kailangan na ring magbago ang kanilang pag-aalaga sa kanilang katawan at kalusugan.”

3. Tanungin ang participants kung anu-anong parte ng katawan ang bumabaho.

Tanungin ang participants kung paano maiiwasan ang pagbaho ng mga parte ng katawan na ito

4. Hatiin sa dalawa ang grupo.

Sabihin sa bawa’t grupo na ipakita kung paano nila ituturo sa mga adolescent ang pangangalaga ng mga parte ng katawan. Maaring dagdagan ang mga parte ng katawan kung may maisip pang iba ang mga participant.

Group 1Group 2
Paa
Kili-kili
Bibig
Ari ng babae
Singit
Ulo
Puwet
Ari ng lalaki

5. Ipamahagi ang Adolescent Hygiene Checklis at ipagamit sa participants para malaman kung kumpleto ang ipinakita ng grupong nagdemonstration.

Lagyan niyo ng tsek kung nagawa ang nasa listahan. Kung may nakaligtaan ang grupo, ipaalala sa participants.

6. Sabihin mo ito:

“Mahalaga na linisin ang bawat bahagi ng katawan. Kailangan maging role model tayo sa kalinisan para sa mga anak natin. Kailangan din nating ibigay ang mga pangangailangan nila para sa personal hygiene, tulad ng sabon, shampoo, toothpaste, toothbrush, tawas o deodorant, sanitary napkin, suklay, nail cutter, at iba pa. Ituro natin sa mga anak natin na responsibilidad nilang pangalagaan ang buong katawan nila.”

Adolescent Hygiene Checklist

Interbyuhin ang health worker at sagutan ang checklist para sa Individual Health Services for Adolescents.

Paa

  • Linisin nang mabuti ang paa gamit ang tubig at sabon. Linisin ang bawa’t daliri ng paa at pagitan ng mga ito.
  • Gumamit ng tuyong towel at punasan nang mabuti.
  • Gupitin ang mga kuko palagi.
  • Palitan ang medyas araw-araw.
  • Hugasan ang tsinelas araw-araw.
  • Magpasuri sa health center kapag hindi naaalis ang baho, may matinding pangangati, o pamumula.

Kili-kili

  • Maligo araw-araw at huwag kalimutang sabunin ang kili-kili.
  • Gumamit ng tuyong towel at punasan nang mabuti.
  • Gumamit ng tawas o deodorant.

Singit

  • Maligo araw-araw at huwag kalimutang sabunin ang singit Gumamit ng tuyong towel at punasan nang mabuti

Puwet

  • Hugasan ng tubig at sabon kapag naliligo at pagkatapos dumumi.

Bibig

  • Maglagay ng toothpaste.
  • Mag-brush mula sa gilagid papunta sa baba at taas na may kasamang rolling strokes.
  • I-anggulo ang brush ng pataas sa likod ng mga ngipin sa harap at saka mag-brush ng taas at baba na strokes.
  • Ilagay ang toothbrush sa pangkagat na surface ng ngipin at mag-brush ng back and forth scrubbing motion.
  • I-brush ang dila mula sa likod papunta sa harap.

Ulo

  • Maligo araw-araw at gumamit ng shampoo.
  • Magsuklay ng buhok.

Para sa mga babae

  • Maligo araw-araw at linisin ng tubig at sabon ang ari, puwet, at pubic hair.
  • Iwasan ang matatapang na panglinis o ‘yung may pabango.
  • Magpalit ng malinis na panty araw-araw.
  • Ahitin ang buhok sa kili-kili upang hindi mabaho.

Para sa mga lalaki

  • Maligo araw-araw at linisin ng tubig at sabon ang ari, bayag, puwet, at pubic hair. Iwasan ang matatapang na sabon o ‘yung may pabango.
  • Kung hindi pa tuli, maaaring makakita sa dulong balat ng ari ng namumuti o naninilaw na likidong namumuo-muo rin. Smegma ang tawag dito, na kailangang hugasan agad bago ito magdulot ng mabahong amoy sa ari o maging sanhi ng impeksiyon.
  • Magpalit ng malinis na brief araw-araw.
  • Matutong mag-ahit nang tama.
  • Gumamit ng malinis at matalas na pang-ahit. Palitan ang blade o razor kada 5 hanggang 7 beses na gamit. Importante ito para hindi magkasugat o iritasyon sa balat.
  • Basain ang balat at buhok upang lumambot.
  • Maglagay ng sabon o shaving cream.
  • I-daan ang pang-ahit sa direksyon kung paano tumubo ang buhok.
  • Ingatan ang mga parte na may pimple o tighiyawat.
  • Banlawan ang pang-ahit pagkatapos ng bawa’t pasa sa balat.
  • Itago ang pang-ahit sa tuyong lugar upang hindi tubuan ng mikrobyo.

100% Completed
Activity Plan 3: Paa, tuhod, balikat, ulo: Personal Hygiene at Good Grooming – SCP H2H Facilitator’s Manual