Activity Plan 4: Sitting Circle Game
Objectives• Para tapusin ang session sa isang game na makakapagdulot ng bonding at suporta sa isa’t isa
Description• Self-reflection, game
MaterialsWala
Oras15 na minuto

Instructions

Magkakahawakan ang mga tao sa activity na ito. Puwede mong gawin ito na pagsasamasamahin ang iisang gender sa isang grupo.

1. Patayuin ang mga participant na nakapaikot sa isang bilog pero nakaharap sa iisang direksiyon.

Dapat magkakalapit sila na nahahawakan na ang siko ng taong nasa harapan nila.

2. Sa bilang na tatlo, unti-unti silang gagalaw para bahagyang mapapaupo sila sa tuhod ng taong nasa likuran nila. 

Ibig sabihin ay ang bawat isa sa kanila ay hawak-hawak nang mabuti ang nasa harapan nila.

Sa bilang na tatlo, patayuin mo sila.

3. Kapag may oras pa, ulitin ang laro.

Ngayon naman, kapag nakaupo sila, ipakaway mo ang mga kamay nila sa itaas ng ulo nila.

Ito ang hitsura ng suporta. Ang bawat isa ay ginagampanan ang maliit nilang bahagi para gumana ang buong grupo, at ang lahat ay mahalaga sa pagbibigay at pagtanggap ng suporta. Tulad ng game na ito, magbibigay ang Heart to HEART parenting program ng maraming pagkakataong makapagtrabaho ang buong grupo, makatulong, sumuporta, at masuportahan ng isa’t isa. Magkakasama tayo ng anim na buwan, kaya sana ay ituring natin ang grupong ito bilang kapamilya – isang pamilya ng mga magulang at guardian na sinusuportahan ang isa’t isa.

Key Message

Dinisenyo ang mga laro sa programang ito para matulungang mapag-usapan ang mga isyung konektado sa mga pinag-uusapang paksa at para mas mabuksan din ang pag-iisip tungkol sa values at kalakasan. Puwede kang magdagdag ng maiikling energizers para magising ang grupo, pero siguraduhin mong magagamit ang pinakatampok na laro sa pagbubukas ng usapan at mailahad ang key messages.

100% Completed
Activity Plan 4: Sitting Circle Game – SCP H2H Facilitator’s Manual