Pagbabalik-Tanaw Para sa Session 3

1. Sabihin mo ito:

Sa session na ito, magbabalik-tanaw din tayo sa sarili nating mga karanasan at alaala noong tayo mismo ay bata pa. Ang pagbabalik-tanaw na ito ay makakatulong sa atin para makita natin ang nararanasan ng ating mga anak, para mas lubos nating maintindihan ang pangangailangan nila, at para makaisip din tayo ng mas mainam na paraan sa pakikipag-usap sa kanila. Malalaman din natin kung anu-ano ang mga isyung nasa saloobin ng mga magulang o guardian kapag ang kanilang mga anak, pamangkin o apo ay nagdadalaga’t nagbibinata.”

2. Itanong mo ito:

“Ano sa palagay ninyo ang mga pagbabagong nangyayari sa ating mga VYAs sa edad nila ngayon?”

3. Sabihin mo ito:

“Napaka-importante na bilang magulang o guardian, alam natin ito at naiintindihan natin ito para mas magkaroon tayo o kayo ng maayos na relasyon o pakikitungo sa kanila. Tamang-tama, ito ang tatalakayin natin sa session na ito.”

100% Completed
Pagbabalik-Tanaw Para sa Session 3 – SCP H2H Facilitator’s Manual