Panimula ng Session 3

Preparasyon

Imbitahan lahat ng mga H2H parents na makakasama sa loob ng anim na buwan. Sabihin sa kanila ang petsa at venue ng H2H Session 3.

Pumili ng venue or lokasyon na malapit sa lahat. Maaring gawin ito sa eskwelahan o sa isang function hall. Makipag-ugnayan sa Save The Children Manager or Coordinator upang makahanap ng maayos na venue.

Objectives• Maging handa at malinawan ang lahat sa gagawin sa Session 3
Description• H2H attendance sheet and feedback form
• Ballpen or markers
• Nametags
• Projector (if available)
• Manila Papers
• Masking tape
• Sanitary pads
• Mga Pagbabagong Emosyonal handouts
• Adolescent Hygiene Checklist handout
Oras4 na oras

Instructions

1. Batiin ang mga participant at bigyan sila ng name tags sa pagpasok nila sa session.

“Hello! Welcome po sa Heart to HEART program! Masaya kami at nandirito na naman po tayo para maging bahagi ng programang ito. Ang bawa’t isa sa inyo ay magulang o guardian ng isang adolescent na nasa edad 10-14.

Ngayon sa Session 3, matututo tayo tungkol sa puberty o pagbibinata at pagdadalaga ng kabataan, at ang mga pagbabago sa katawan na naranasan natin noong kabataan natin at ng ating mga VYA.

Halos lahat ng gagawin natin ay idadaanan natin sa laro o games, para mas maenjoy natin ang bawat activities o sessions. Dahil magkakasama tayo sa loob ng anim na buwan. Sa ikatlo at ikalimang buwan, tayo ay mag-kakaroon ng field-trip o visit sa isang rural health unit o RHU o kaya barangay health station na malapit sa inyong mga lugar. Lalo na kung ito ay malapit lamang sa inyo. Pero kung malayo ito, sisikapin nating makapag-imbita ng doctor, nurse or midwife mula sa RHU o hospital. At sa ating ika-anim na buwan o last month na mag-kakasama, mag-kakaroon tayo ng simpleng graduation at kung saan kasama natin ang inyong mga anak, apo o pamangkin. Exciting, diba?

2. Expectation Setting at Ground Rules

Sabihin mo ito:

“Noong orientation naibahagi natin ang ating mga expectations at ground rules. Ito ang napag kasunduan natin. (Ipakita ang drawing ng expectations at ground rules).”

3. Daily Feedback Journal o Diary

Tanungin sila kung dala nila ang kanilang Daily Feedback Journal or Diary. Bigyang-diin na ang mga journal ay pribado dapat, at ipapabasa lang sa kanila kung ano ang kumportable silang ibahagi.

Kamustahin ang kanilang Assignments. Magbigay ng oras para pagusapan ito.

Itanong mo ito patungkol sa assignment:

  • Nakumpleto niyo ba ang mga assignment ninyo? Ano ang nangyari?
  • Ano ang reaksyon ng inyong (mga) anak?
  • Ano pakiramdam niyo habang ginagawa ung assignment?
  • Ano ang mga natutunan ninyo tungkol sa sarili ninyo at sa (mga) anak ninyo mula noong huli tayong nagkasama?

4. H2H Session 3 Agenda

Siguraduhin na lahat ng kalahok sa loob ng anim na buwan ay naiintindihan at handang sumama sa lahat ng sessions. Kung sila ay sumasangayon at walang katanungan ibahagi sa kanila ang gagawin sa Session 3 sa loob ng apat na oras.

Kapag nabahagi na ito. Sabihin sa kanila na maguumpisa sa unang activity.

100% Completed
Panimula ng Session 3 – SCP H2H Facilitator’s Manual