Session 3 Evaluation

Option 1

1. Gamit ang kasalukuyang mga grouping, sasagutan ng participants ang sumusunod na tanong:

  1. Ano ang nararamdaman mo pagkatapos ng session?
  2. Ano ang highlights nito para sa iyo?
  3. Anong paksa ang pinakamahirap ninyong pag-usapan ng bata? Bakit?

2. Pasalamatan mo ang participants sa kanilang partisipasyon at ibigay mo sa kanila ang kanilang Daily Feedback Journal/Diary at assignment.

Option 2

Ang “Feedback Agad” na Tool

Sa katapusan ng bawat session, puwede mong gamitin ang sumusunod na tool para makakuha ng agarang feedback tungkol sa nararamdaman ng participants. Maglagay ng tatlo o apat na tanong sa hiwa-hiwalay na cards at ihilera ito sa sahig o sa mahabang mesa. Ilagay ang high (mataas), medium (katamtaman), at low (mababa) cards sa gilid (tulad ng nasa diagram). Maglagay ng maliliit na plato sa isang linya na nakatapat sa iba’t ibang pagpipilian sa bawat tanong.

Bigyan ang bawat participant ng tatlo, apat, o limang toothpicks o stick ng posporo (ang bilang ng toothpicks na ibibigay sa bawat tao ay dapat kasingdami ng bilang ng mga tanong at activities). Sabihin sa participants na maglagay ng isang toothpick sa bawat tanong at piliin kung sa high, medium, o low ito ilalagay. Bigyan ng sapat na oras ang participants na ilagay ang kanilang mga toothpick (mahalagang hindi mo sila dapat titingnan kapag ginagawa nila ito para pakiramdam nila’y puwede silang maging tapat sa sagot nila).

Iayos ang participants na nakapaikot sa feedback “data.” Magtanong kung may volunteer na nais magkomento tungkol sa resulta. Kung may mga toothpick sa kategorya ng low, tanungin ang grupo kung bakit ganoon ang pakiramdam nila. Tanungin sila kung ano ang kailangang gawin para mas mapabuti ang mga bagay-bagay sa susunod na araw ng session. .

Puwede kang gumawa ng kaparehong feedback sa pagdrowing ng isang grid sa malaking sheet ng papel at bigyan mo ng stickers ang mga participant na ididikit doon para sa kanilang mga sagot. Para sa mga low literacy participant, ipaliwanag mo kung ano ang nakasulat sa bawat kahon para mailagay nila ang kanilang kasagutan.

Sa panghuli, pasalamatan mo ang participants sa kanilang pakikisali at bigyan sila ng kanilang Daily Feedback Journal/Diary at assignment.

100% Completed
Session 3 Evaluation – SCP H2H Facilitator’s Manual