Activity Plan 1: Sex at Gender
Objectives• Para maipaliwanag ng mga magulang/guardian ang “gender” at matukoy kung ano sa mga katangiang inuugnay sa mga lalaki at babae ang itinakda dahil sa biology o itinakda ng lipunan
• Para patatagin ang kritikal na pag-iisip at abilidad sa malikhaing pagsulat.
Description• Self-reflection, drowing, diskusyon
Materials• Malaking sheets ng papel
• Chalk o pen
Oras45 na minuto

Instructions

1. Hatiin ang participants sa apat o limang grupo (iisang gender lang bawat grupo o halo-halo).

Pag-uusapan ninyo ang gender (kung ano ang sinasabi ng lipunan na ibig sabihin ng pagiging lalaki o babae). Gagawa ang bawat grupo ng “web of words” na mga salitang laging ginagamit sa pagiging lalaki at pagiging babae.

Para linawin kung ano ang “word web,” puwede kang magbigay ng halimbawa sa board ng isang word web tungkol sa ibang subject. Tingnan ang halimbawa sa ibaba para sa salitang “dog.”

2. Bigyan ang bawat grupo ng magulang o guardian ng dalawa hanggang tatlong minuto para gumawa ng word web sa salitang “lalaki” at dagdag na dalawa o tatlong minuto para sa “babae.”

3. Para linawin kung ano ang “word web,” puwede kang magbigay ng halimbawa sa board ng isang word web tungkol sa ibang subject.

Tingnan ang halimbawa sa ibaba para sa salitang “dog”.

4. Itanong ito sa kanila:

“Ano ang isang katangian mula sa word web ninyo na inuugnay sa pagiging lalaki? Ang katangiang iyon ba ay itinakda ng biology (“Biological”) o itinakda ng lipunan (“Social”)?”

Kapag nilagay ng mga magulang ang isang katangiang “social” sa “biological” na kategorya, itama sila sa pagtatanong ng:

“Kung ang isang bata o matandang lalaki ay wala niyang katangian na iyan, maituturing pa rin ba silang lalaki?”

5. Magdagdag ng isang bagong katangian sa listahan mula sa sagot ng mga grupo hanggang nailista mo na ang lahat ng sagot na kaakibat sa pagiging lalaki.

Siguraduhing nasa web ng mga magulang ang karamihan sa mga sumusunod na salita. (Baka kailangan mong magtanong sa paraang lalabas ang mga partikular na sagot na ito.) Ang karaniwang halimbawa ng mga katangiang inuugnay ng mga tao sa “pagiging lalaki” ay ang pagiging:

  • Malakas ang katawan
  • Hindi nagpapakita ng emosyon
  • Sexual predator
  • Heterosexual
  • Magaling sa pera
  • Nasusunod sa pamilya
  • Cool
  • Isang ama
  • Mapagmalaki (proud)
  • Makapangyarihan
  • Athletic
  • Matapang
  • Di takot sa karahasan o di takot gumamit ng karahasan
  • Palabiro
  • Tapat sa mga kaibigan

Ulitin ang prosesong ito para sa mga katangiang inuugnay sa “pagiging babae”. Ilang karaniwang halimbawa ay ang pagiging:

  • Maalalahanin
  • Tahimik
  • Masunurin
  • Madaldal
  • Mahusay makipag-usap
  • Maayos ang pananamit
  • Matibay ang emosyon
  • Maayos/magaling sa multi-tasking
  • Praktikal
  • Hindi marahas
  • Mahinhin
  • May hubog/sexy ang katawan
  • Mas mahina kaysa sa lalaki
  • Maalaga
  • Isang ina

6. Maglaan ng 10 minutes para sa full-group discussion.

  • Ang ilang katangian ng lalaki at babae ay biological. Halimbawa, mga lalaki lang ang puwedeng maging ama, at mga babae lang ang puwedeng manganak o mag-breastfeed.
  • Pero karamihan sa mga katangiang inuugnay sa pagiging lalaki o pagiging babae ay itinakda ng lipunan — hindi ito batay sa biology.
  • Ang mga katangian ng lalaki at babae na itinakda ng lipunan ay tinatawag na gender roles. Sino ang nakarinig na ng salitang ito?
  • Ano ang pakiramdam mo sa mga gender roles sa lipunan natin? Sang-ayon ka ba sa lahat ng pagtatakda kung paano dapat kumilos at mamuhay ang kababaihan? Ganoon din sa kung paano dapat kumilos ang kalalakihan?
  • Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng gender equality?
  • Sa bawat komunidad at lipunan, mag mga taong iba ang paniniwala tungkol sa gender at equality, at di ito sumusunod sa tradisyonal.
  • Habang nagbabago ang lipunan sa pagdaan ng panahon o nag-iiba ang mga rehiyon, nag-iiba rin ang mga saloobin tungkol sa gender roles.

100% Completed
Activity Plan 1: Sex at Gender – SCP H2H Facilitator’s Manual