Objectives | • Para makapagbigay ang participants ng halimbawa kung paano naiintindihan ng mga bata ang mensahe tungkol sa gender roles • Para maisaalang-alang ang mga mensaheng ito mula sa pananaw na personal at batay sa karapatang pantao o human rights • Para mapalakas abilidad sa kritikal na pag-iisip. |
Description | • Magbabahagi ng alaala ang mga magulang o guardian ng panahong naitrato sila sa isang partikular na paraan dahil lang sa kanilang gender. • Alalahanin nila ang naramdaman nila tungkol sa karanasang iyon. |
Materials | • Malaking sheets ng papel • Chalk o pen |
Oras | 45 na minuto |
Instructions
1. Hatiin ang participants sa maliliit na grupong iisa ang gender sa grupo, na apat o lima ang kasapi bawat grupo.
Bigyan sila ng pen at papel. Ngayon ay titingnan natin ang ibig sabihin kung paano tayo pinalaki bilang lalaki o babae. Una, mabilis tayong maglalakbay sa mga alaala natin, kaya maupo nang mapayapa, ibaba ang mga panulat, at mag-relax.
Balikan ninyo ang panahong naisip mo na naitrato ka sa isang partikular na paraan dahil sa gender mo. Kapag may naalala ka, isulat mo ito. Ano ang mga nararamdaman mo habang inaalala mo ang karanasang iyon? Isulat mo rin ang emosyon mo. May opsiyon kang ibahagi ang mga alaala mo sa grupo ninyo.
2. Matapos ang ilang minuto, sabihin ito:
“Maglaan tayo ng ilang minuto para magshare ng anumang bagay tungkol sa karanasan mo o sa nararamdaman mo. Ibahagi lang sa grupo ang mga bagay na kumportable kayong sabihin sa grupo.”
3. Matapos ang dagdag na lima o sampung minuto, itanong ito:
“Ano ang sinasabi sa atin ng mga karanasang ito tungkol sa saloobin at pamantayan ng lipunan sa kahalagahan at ginagampanan dapat ng mga bata at matandang babae? Sa mga bata at matatandang lalaki?
Kung babalikan natin ang natutunan natin tungkol sa child rights at mga pagbabago kapag puberty, sa tingin mo ay makatarungan ba ang mga saloobin at pamantayan na ito? Bakit o bakit hindi?
Anong mga pagbabago ang kailangang maganap para tunay na magkaroon ng equality o pagkakapantay-pantay ang mga lalaki at babae?”
Ipaalala sa participants na ang anumang sitwasyon ay maraming saklaw na kalalabasan.
Bigyan sila ng pagkakataong palitan ang pagtatapos ng kuwento nila, ipaliwanag:
“Balikan ninyo ang alaala ng sitwasyong sa tingin ninyo ay hindi makatarungan — puwedeng ito ‘yung sinulat ninyo o narinig ninyong kuwento sa grupo ninyo. Bigyan mo ng panibagong ending ang kuwento, ‘yung ending na sa tingin mo ay mas tama o makatarungan.”
(Note: Kung kakapusin ka ng oras, puwedeng ibigay ito bilang homework na lang.)