Activity Plan 4: Panghabang-buhay ang Sexuality
Objectives• Matutunan ang mga termino ng sexuality (sex, sexuality, gender, etc.)
• Mapag-usapan ang sekswalidad bilang mahalagang bahagi ng personalidad ng tao
• Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad
• Bilangin at mapag-usapan ang limang paghahayag ng sexuality sa iba’t ibang bahagi ng buhay;
• Ipaliwanag na ang sekswalidad ay puwedeng ipahayag at ikatuwa nang ligtas at hindi lang sa pakikipag-sex, at sa panghabangbuhay pa.
Description• Ipaintindi sa mga magulang na ang sexuality o sekswalidad ay hindi lang tungkol sa pakikipag-sex pero bahagi ito ng pagiging tao mula pagkapanganak hanggang kamatayan.
Materials• Cartolina
• Manila Paper
• Marker
Oras45 na minuto

Instructions

1. Sabihin mo ito:

“Narinig niyo na ba ang salitang sexuality? Ano kaya ang ibig sabihin nito?”

2. Hatiin ang participants sa anim na maliliit na grupo at bigyan ang bawat grupo ng isa sa sumusunod (text o drowing):

  • Sanggol na lalaki at babae
  • Lalaki at babae na edad 6 na taon
  • Lalaki at babae na edad 15 na taon
  • Kasal na lalaki at babae na edad 22 na taon
  • Lalaki at babae na may anak
  • Matandang lalaki at babae

3. Itanong sa mga grupo na pag-usapan kung paano naipapahagay ang sexuality sa mga taong ibinigay sa kanila.

Halimbawa, paano naipapahayag ng isang sanggol na lalaki ang pagkatuwa niya sa pagiging lalaki? Paano naipapakita ng sanggol na babae ang pagkatuwa niya sa pagiging babae?

Bago magsimula, ipaliwanag muna ang ibig sabihin ng sexuality para naiintindihan ito ng lahat.

SalitaKahulugan
Sexuality o sekswalidadKung paano nararanasan at ipinapahayag ng mga tao ang sarili nila bilang sexual na nilalang. Maraming bagay any nagdudulot sa sexual na kaugaliang ito ng mga tao, sa pakikipagrelasyon, pakiramdam, identidad, pagnanasa, at pag-uugali. Isa sa mga kadahilanang ito ay dulot ng biology, lalo na ng sex hormones. Isa pang kadahilanan ang indibidwal na personalidad at karanasan ng tao. Pero isa ring dahilan ang kultura na siyang nakakaimpluwensiya sa kaugalian ng mga tao, sa inaasahan nilang pagkikilos, at karanasang konektado sa sekswalidad.
Sexual wellbeing o sexual na kapakananAng pakiramdam ng kapakanan ng isang tao na konektado sa kanyang sexuality at sexual life, o pagiging masaya at kontento sa sarili mong sekwalidad at buhay-sex

4. Sabihin sa bawat grupo na ibahagi ang kanilang output sa lahat.

  • Baby: Puwedeng magkaroon ng erection ang mga lalaki; natutuwa ang parehong lalaki at babae kapag sila ay hinahawakan, niyayakap, nililinis, at sumususo sa ina.
  • Child of 6 years: Naglalaro ng mommy at daddy; natutuwang magdamit ng pambabae o panlalaki, natututong sumayaw; puwedeng ginagaya ang akto ng pages-sex dahil puwedeng ginagaya nila kapag nakita nila ito sa iba.
  • Child of 15 years: May wet dreams, feeling sexy sa tabi ng iba, interesado na maging babae o lalaki, hinahawakan ang kanilang sexual organs.
  • Married couple: Ginagawa nila kung ano ang natutunan nila sa pagiging mag-asawa; ikinatutuwa o hindi ang buhay ng may asawa.
  • Couple with baby: Ikinatutuwa ng ina ang pagbe- breastfeed at pagyakap sa baby niya; ramdam niya at pinapakita niya ang pagiging babae niya; nakakaramdam ng magiliw na pagmamahal sa baby niya; ramdam ng lalaki at ipinapakita niya ang pagiging lalaki niya; nakakaramdam ng inis kapag tila mas nagpapakita ng pagmamahal ang asawa niya sa baby nila kaysa sa kanya
  • Elderly couple: Hindi kailangang mag-alala kung mabubuntis, libre na mula sa mahirap na pagtatrabaho, natutuwa sa isa’t isa bilang lalaki at babae, natutuwang magsayaw, kumanta, hinahaplos ang isa’t isa, nagse-sex.

5. Matapos makapag-report ang lahat ng grupo, simulant ang diskusyon sa pagtatanong ng sumusunod:

  • Ano ang naramdaman mo habang ginagawa itong activity na ito? Madali ba o mahirap? Bakit ito madali o mahirap?
  • Mula sa activity, paano ipinapakita ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng buhay nila ang kanilang sekwalidad? May magkakapareho ba at pagkakaiba sa paraan ng pagpapahayag nila ng sekswalidad?
  • Ano ang mga naiisip mo tungkol sa sekswalidad?
  • Anong mga bagong bagay ang natutunan mo tungkol sa sekswalidad?
  • Paano mo magagamit sa buhay mo ang mga natutunan mo dito sa activity na ito?

6. Ibahagi ang mga sumusunod na salita sa grupo:

Basic sexuality words with drawings or pictures with meaning

SalitaKahulugan
Sexuality o sekswalidadKung paano nararanasan at ipinapahayag ng mga tao ang sarili nila bilang sexual na nilalang. Maraming bagay any nagdudulot sa sexual na kaugaliang ito ng mga tao, sa pakikipagrelasyon, pakiramdam, identidad, pagnanasa, at pag-uugali. Isa sa mga kadahilanang ito ay dulot ng biology, lalo na ng sex hormones. Isa pang kadahilanan ang indibidwal na personalidad at karanasan ng tao. Pero isa ring dahilan ang kultura na siyang nakakaimpluwensiya sa kaugalian ng mga tao, sa inaasahan nilang pagkikilos, at karanasang konektado sa sekswalidad.

Ang mga pamantayan ng kultura natin o cultural norms ay nakaaapekto rin sa mga batas at polisiya tungkol sa sexuality. Lahat ng kadahilanang ito ay nagsasama-sama sa buhay.
Sexual wellbeing o sexual na kapakananAng pakiramdam ng kapakanan ng isang tao na konektado sa kanyang sexuality at sexual life, o pagiging masaya at kontento sa sarili mong sekwalidad at buhay-sex.
Sexual orientationAng erotic o romantic na atraksiyon (preference) sa pagbabahagi ng sexual expression sa opposite gender (heterosexuality), sa sariling gender (homosexuality), o sa parehong gender (bisexuality).
Gender identityKung paano binibigyan ng tao ng identidad ang sarili na konektado sa mga aspeto ng kanilang sekswalidad, na puwedeng kabilang ang sexual preference o atraksiyon. Puwedeng kasama rin dito ang uri ng relasyong gusto nila, halimbawa sa pakikipagrelasyon sa parehong gender, ibang gender, o parehong gender. Ang sexual identity ay puwedeng pareho o magkaiba sa sexual desire o sexual na pag-uugali ng tao.
HomosexualityMay atraksiyong pisikal at romantiko sa taong kapareho nila ng gender. Isang taong kinikilala ang sarili bilang bakla o lesbiyana.
HeterosexualityMay atraksiyong pisikal at romantiko sa taong kaiba sa gender nila.
BisexualityMay atraksiyong pisikal at romantiko sa taong mula sa lagpas sa isang gender. Isang taong kinikilala ang sarili bilang may sexual orientation sa parehong gender na male at female.
IntersexMay sex chromosomes, genitalia, at/o ikalawang katangian sa sex na hindi tanging panlalaki o pambabae lamang. Halimbawa, isang taong parehong may penis at vagina.
LesbianKaakibat ng homosexuality sa babae. Isang babaeng kinikilala ang sarili bilang homosexual.
GayIsang lalaking kinikilala ang sarili bilang homosexual.
TransgenderIsa itong malawak na tawag sa mga taong iba ang gender identity sa kalooban nila mula sa physiological o panlabas nilang gender.
MaleIsang taong kinikilala ang sarili bilang heterosexual.
FemaleIsang taong kinikilala ang sarili bilang heterosexual.
Sexual and reproductive rightsHuman rights o karapatang pantaong kaakibat ang sexual at reproductive na kalusugan at buhay. Kasama rito halimbawa ang karapatan ng taong piliin kung kanino at anong paraan siya makikipagsex; ang karapatang mabuntis o hindi; at ang karapatang protektahan ang sariling katawan mula sa sapilitang pakikipag-sex o karahasan.
Sexual norms o pamantayang sexualMga pamantayan ng lipunan na humuhubog sa pag-unawa,pag-uugali, at karanasan ng mga tao na kaakibat ng sekswalidad.
Sexual desire o sexual na pagnanasaAng pagnanasang maipahayag ang sarili sa sexual na pamamaraan o ang pagkakaroon ng pakiramdam ng atraksiyong sexual.
Sexual wellbeing o sexual na kapakananAng pakiramdam ng mabuting kapakanan na kaakibat sa sekswalidad ng tao, at pagiging kontento sa sekswalidad at sa sex life ng isang tao.
Sexual diversity o pagkakaibaibang sexualThe wide variation in people’s sexual desires, identities, and behaviours, including attraction to the same, opposite or both sexes.

100% Completed
Activity Plan 4: Panghabang-buhay ang Sexuality – SCP H2H Facilitator’s Manual