Panimula ng Session 4

Preparasyon

Imbitahan lahat ng mga H2H parents na makakasama sa loob ng anim na buwan. Sabihin sa kanila ang petsa at venue ng H2H Session 4.

Pumili ng venue or lokasyon na malapit sa lahat. Maaring gawin ito sa eskwelahan o sa isang function hall. Makipag-ugnayan sa Save The Children Manager or Coordinator upang makahanap ng maayos na venue.

Objectives• Maging handa at malinawan ang lahat sa gagawin sa Session 4
Description• H2H attendance sheet and feedback form
• Ballpen or markers
• Nametags
• Projector (if available)
• Manila Papers
• Masking tape
• Adolescent Risk Mapping sheet
• Tree sheet
• Choose a Friend (pictures and strips of categories)
• Interview chart sheet (assignment)
Oras4 na oras

Instructions

1. Batiin ang mga participant at bigyan sila ng name tags sa pagpasok nila sa session.

“Hello! Welcome po sa Heart to HEART program! Masaya kami at nandirito na naman po tayo para maging bahagi ng programang ito. Ang bawat isa sa inyo ay magulang o guardian ng isang adolescent na nasa edad 10-14.

Ngayon sa Session 4, matututo tayo about sa puberty and changes in the body na naranasan natin nung kabataan natin at ang ating mga VYAs.

Halos lahat ng gagawin natin ay idadaan natin sa laro o games, para mas maenjoy natin ang bawat activities o sessions. Dahil magkakasama tayo sa loob ng anim na buwan. Sa ikalimang buwan, tayo ay magkakaroon ulit ng field trip o visit sa isang rural health unit o RHU o kaya barangay health station na malapit sa inyong mga lugar. Lalo na kung ito ay malapit lamang sa inyo. Pero kung malayo ito, sisikapin nating makapag-imbita ng doctor, nurse or midwife mula sa RHU o hospital. At sa ating ika-anim na buwan o last month na magkakasama, magkakaroon tayo ng simpleng graduation at kung saan kasama natin ang inyong mga anak, apo o pamangkin.

Sa araw na ito, matututunan natin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang gender, sex and sexuality at ang importansiya nito sa atin bilang tao at sa ating mga VYAs. Tatalakayin din natin ang iba-ibang karanasan natin patungkol sa gender roles sa loob at labas ng bahay. Karagdagan nito, susuriin natin ang mga risk o uri ng panganib na puwedeng harapin o maexperience ng ating mga anak na edad 10-14. Matututunan natin ang mga karaniwang panganib sa kalusugan ng adolescents, mga paraan sa pag-iwas sa mga risk na ito.

2. Expectation Setting at Ground Rules

Sabihin mo ito:

“Noong orientation naibahagi natin ang ating mga expectations at ground rules. Ito ang napag kasunduan natin. (Ipakita ang drawing ng expectations at ground rules).”

3. Daily Feedback Journal o Diary

Tanungin sila kung dala nila ang kanilang Daily Feedback Journal or Diary. Bigyang-diin na ang mga journal ay pribado dapat, at ipapabasa lang sa kanila kung ano ang kumportable silang ibahagi.

Kamustahin ang kanilang Assignments. Magbigay ng oras para pagusapan ito.

Itanong mo ito patungkol sa assignment:

  • Nakumpleto niyo ba ang mga assignment ninyo? Ano ang nangyari?
  • Ano ang reaksyon ng inyong (mga) anak?
  • Ano pakiramdam niyo habang ginagawa ung assignment?
  • Ano ang mga natutunan ninyo tungkol sa sarili ninyo at sa (mga) anak ninyo mula noong huli tayong nagkasama?

4. H2H Session 4 Agenda

Siguraduhin na lahat ng kalahok sa loob ng anim na buwan ay naiintindihan at handang sumama sa lahat ng sessions. Kung sila ay sumasangayon at walang katanungan ibahagi sa kanila ang gagawin sa Session 4 sa loob ng apat na oras.

Kapag nabahagi na ito. Sabihin sa kanila na maguumpisa sa unang activity.

100% Completed
Panimula ng Session 4 – SCP H2H Facilitator’s Manual