Session 4 Agenda
Oras | Activity | Objectives | Materials |
---|---|---|---|
45 Minutes | Sex and Gender | • Para maipaliwanag ng mga magulang/guardian ang “gender” at matukoy kung ano sa mga katangiang inuugnay sa mga lalaki at babae ang itinakda dahil sa biology o itinakda ng lipunan • Para patatagin ang kritikal na pag-iisip at abilidad sa malikhaing pagsulat | • Large sheets of paper • Chalk or pens |
30 Minutes | Paglalakbay ng Alaala: Kaalaman sa Gender noong Kabataan | • Para makapagbigay ang participants ng halimbawa kung paano naiintindihan ng mga bata ang mensahe tungkol sa gender roles • Para maisaalang-alang ang mga mensaheng ito mula sa pananaw na personal at batay sa karapatang pantao o human rights • Para mapalakas abilidad sa kritikal na pag-iisip | • Large sheets of paper • Chalk or pens |
45 Minutes | Pumili ng Kaibigan | • Para matukoy ang karaniwang uri ng stigma at diskriminasyon • Para pag-usapan ang ibig sabihin ng stigma at diskriminasyon • Para hamunin ang mga pag-aakala at pag-unawa ng participants na maaaring nakaka-impluwensiya sa kung paano nila tinatrato ang ibang tao | • Tatlong picture ng babae at tatlong picture ng lalaki (puwedeng galing sa mga magazine, diyaryo, brochures) • Masking tape • Gunting • Printed character cards, ginupin (ibaba) |
30 Minutes | Panghabang-buhay ang Sexuality | • Matutunan ang mga termino ng sexuality (sex, sexuality, gender, etc.) • Mapag-usapan ang sekswalidad bilang mahalagang bahagi ng personalidad ng tao • Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad • Bilangin at mapag-usapan ang limang paghahayag ng sexuality sa iba’t ibang bahagi ng buhay • Ipaliwanag na ang sekswalidad ay puwedeng ipahayag at ikatuwa nang ligtas at hindi lang sa pakikipag-sex, at sa panghabangbuhay pa • Para maintindihan nang mas maigi ang Rights of a Child | • Cartolina • Manila Paper • Marker |
45 Minutes | Itigil-Ituloy-Simulan | • Matukoy ang mga panganib na maaaring harapin ng mga adolescent, mga sanhi nito, at ang maaaring kalabasan nito | • Mga Panganib photo cards • Risk Tree diagram • Metacards • Markers • Masking tape |