Activity Plan 1: Hunter and Prey
Objectives• Para maintindihang may pangangailangang alagaan nila ng husto ang kanilang mga VYAs
Description• Group Exercise at energizer
Materials• Blindfold cloth
Oras15 minutes

Instructions

1. Ipaliwanag mo na maglalaro kayo ng game kung saan may Hunter na manghuhuli ng Prey.

Habang naglalaro kayo, sabihin sa mga participant na isipin ang mga key message sa game na kaakibat ng mga topic noong nakaraan.

2. Tatayo sa isang paikot na paraan ang mga participant.

Ang pabilog nilang hugis ang magsisilbing boundary ng game.

3. Dalawang tao lang muna ang maglalaro nang sabay.

Hunter ang isa, at siya ang magsusuot ng piring sa mata. Prey ang isa at wala siyang piring sa mata.

4. Susubukang hulihin ng Hunter ang Prey.

Puwedeng tumawag-tawag ang Hunter tulad ng “Nasaan ka na?” Dapat sagutin ito agad ng Prey ng “Nandito ako.” Gagamitin ng Hunter ang tunog ng boses para puntahan at hulihin ang Prey. Ang mga taong nakatayo sa pabilog ay dapat siguraduhing hindi makakalabas ang Hunter sa bilog. Kapag hindi nahuli ng Hunter ang Prey sa loob ng isang minuto, papalitan sila ng bagong pares ng maglalarong Hunter at Prey.

5. Kapag nahuli ng Hunter ang Prey sa loob ng isang minute, mananatili siya sa loob ng bilog at may papasok na panibagong Prey.

Maglaro ng ilang ulit ng game na ito.

6. Matapos ang ilang rounds, tanungin ang participants kung ano ang naramdaman nilatungkol sa laro at kung paano ito karugtong ng mga topic na napag-usapan sa session.

7. Tapusin ang laro sa pagbabahagi ng key message:

Ipinapaalala sa atin ng larong ito na sa relasyon ng magulang o guardian sa kanilang VYA, kailangan nilang maging mas malapit sa kanilang relasyon, na kailangan nilang alisin ang piring sa mata at simulant na ang pag-uusap tungkol sa kung ano ba ang gusto nilang maganap sa relasyon nila, kasama na rito ang tungkol sa mga panganib, sa mga relasyong sexual, at pangarap sa buhay. Ang piring ay puwedeng simbolo ng kamangmangan. Kung wala tayong kaalam-alam tungkol sa sarili nating mga VYA o sa kung ano ang puwedeng mangyari kung makikisali sila sa mga gawaing mga VYA at ng iba pang kabataan sa panahong ito.

Key Message

100% Completed
Activity Plan 1: Hunter and Prey – SCP H2H Facilitator’s Manual