Activity Plan 2: Risk Ranking
Objectives• Para magkaroong ng relasyong may pagsuporta sa mga participant
• Para magbigay kaalaman tungkol sa alak, paninigarilyo, droga, at sex na may kinalaman sa mapanganib na asal
• Para matukoy ang kaakibat na panganib na may kinalaman sa iba’t ibang gawaing kasama ang alak, paninigarilyo, droga, at sex
Description• Experiential learning, participatory activities at diskusyon
Materials• Risk ranking cards
Oras45 na minuto

Instructions

1. Sabihin mo ito:

“Mahalaga ang abilidad na nasusuri natin kung medyo delikado o hindi ang alak, paninigarilyo, o ibang droga para makagawa tayo ng mas mainam na desisyon. Sa activity na ito, gagawa tayo ng problem-prediction o risk assessment.”

2. Hatiin ang participants sa dalawa o tatlong grupo (siguraduhing may isang facilitator bawat grupo).

Bigyan ang bawat grupo ng isang set ng Risk Ranking cards.

3. Hatiin ang cards sa grupo.

Bawat isa sa kanila ay ilalagay ang card nila sa isang hilera sa sahig na nagsisimula sa most risky o pinaka-delikado papunta sa least risky o di gaanong delikado. Habang ginagawa nila ito, kailangang ipaliwanag nila nang kaunti kung ano sa tingin nila ang magaganap sa ganitong sitwasyon at kung bakit ito delikado o di gaanong delikado. Puwede silang magkomento tungkol sa dami, dahilan, kondisyon, lugar o mga kasamang tao kung saan nagaganap ang mga kaganapang ito.

Risk Ranking Card Prompts

Pag-engganyo sa kaibigan na uminom siya ng alak para magkaroon siya ng lakas ng loob na kausapin ang isang tao sa opposite genderPakikipag-inuman sa mas nakatatandang kabataan na mahilig maglasing at magkarera gamit ang motor
Pinapainom ng maraming alak ang isang tao dahil gusto mong makipag-sex sa kanyaSusubok ng isang droga dahil sabi ng kaibigan mo ay bibigyan ka nito ng tapang at kumpiyansa sa sarili
Malalasing habang nasa bangkaNagmamaneho habang lasing
Maraming alak ang iniinom habang buntisNakikipag-inuman kasama ang kasintahan para magkaroon ng tapang at kumpiyansa na makipag-sex
Gumagamit ng shabu kasama ang ibaMaglalasing tapos maglalakad pauwi kasama ang iba pang lasing na tao
Bahagyang umiinom ng alak kapag may fiestaPinipilit uminom ng alak ang lalaking kaibigan para patunayan niya ang kanyang pagkalalaki
Pupunta sa isang sex worker matapos makipag-inuman nang mabigatHumihithit ng shabu dahil gumagamit ang iba
Tumitikim ng isang alcoholic drink para lang malaman kung ano ang lasa nitoUmiinom ng alak dahil may kagalit ka
Umiinom ng kaunting alak kasama ang tita moPakikipag-sex nang walang condom matapos makipag-inuman
Pasikretong dinadagdagan ng alak ang inumin ng isang taoNakikipag-inuman ng beer kasama ng mga kaibigan habang naglalaro ng baraha
Nagtuturok ng droga gamit ang heringgilyang ginamit na ng ibaUmiinom ng tubá kahit di mo alam kung ano ang laman nito
PInapainom ng alak ang isang elementary/K-12 na estudyanteNakikipag-sex matapos mag-shabu
Sumusubok ng ilegal na droga kahit di mo alam kung ano ang nilalaman nitoHinihikayat ang isang kaibigan na samahan kang ubusin ang isang bote ng gin
Nakikipag-away pagkatapos makipaginumanHumihithit ng isang pack ng sigarilyo sa isang araw
Nakikipag-inuman kasama ang mga taong di mo kilalaPakikipag-sex sa hindi mo kilalang tao matapos uminom ng maraming alak
Naglalakad pauwi kasama ang mga taong galing sa inumanUmiinom ng kaunting alak sa kasal ng pinsan
Nakikihithit sa sigarilyo ng pinsan moNakikipag-inuman habang may mga sandata/baril sa paligid
Nakikipag-inuman para maging “in” at makasali sa isang grupoParamihan ng pag-inom ng beer sa maikling oras dahil hinamon

4. Sabihin sa participants na puwede nilang galawin ang cards ng iba kapag sila na ang maglalagay ng card nila, basta naipapaliwanag nila kung bakit nila ito ginagalaw.

5. Kapag natapos na ang lahat, sabihin sa kanilang pag-usapan nila sa kani-kanilang grupo ang sagot sa tanong na ito:

“Ano ang iba’t ibang kadahilanan na nagbibigay ng medyo mapanganib na sitwasyon sa pagkonsumo ng alak o droga?”

6. Kapag natapos na ang diskusyon ng mga grupo, humingi ng isang tao mula sa bawat grupo na magre-report kung ano ang nilagay nila sa itaas at ibaba ng listahan nila.

Tingnan kung pare-pareho ang sagot ng mga grupo. Sabihin sa participants na ituro ang mga pinagkaiba ng sitwasyong nilagay nila sa dulo ng mapanganib at sa mga nilagay nila sa dulo ng di gaanong mapanganib.

7. Sabihin mo ito:

“Sa pagtatapos ng activity, ano ang anramdaman ninyo habang ginagawa natin ito? Madali ba o mahirap? Bakit ito madali o mahirap? Ano sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit natin kinakailangang matukoy kung ano ang low o high risk?”

Bilang magulang o guardian, mahalagang kaya nating mahulaan o mas maunahan nating maiisip ang iba’t ibang panganib na puwedeng maganap bilang resulta ng pagkonsumo ng alak o paggamit ng anumang droga. Ang pag-imagine natin ng kung ano puwedeng mangyari ay isang mahalaga at unang hakbang sa pag-iwas o pagpigil ng pinsalang magagawa ng tao sa sarili niya o sa ibang tao. Kapag sinusuri mo ang posibleng panganib, kailangan mong isipin ang maraming bagay tulad ng droga, ang halaga o dami, ang tao, ang sitwasyon, ang kapaligiran, at ang dahilan sa paggamit ng droga. Kadalasan, unang nakikita o nakikilala ang mga panganib na ito sa loob mismo ng bahay o mula sa pamilya. Matukoy ang mga panganib na maaaring harapin ng mga adolescent, mga sanhi at maaaring kalabasan nito, at kung paano mababawasan ang mga panganib naimapa natin ang mga posibleng panganib na nakakaharap ng mga adolescent pati na rin ang mga sanhi at magiging epekto nito.

Key Message

8. Pasalamatan ang lahat sa pagsali sa session at muling bigyang-diin na hindi ang mga grupong sinasamahan ng mga kabataan ang nagpapahamak sa kanila kundi ang mga gawain nila.

100% Completed
Activity Plan 2: Risk Ranking – SCP H2H Facilitator’s Manual