Activity Plan 4: Pag-iwas sa Pagbubuntis: Tama o Mali 2
Objectives• Malaman ang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng consent o pahintulot sa paggawa ng desisyon sa buhay
Description• Group Exercise at discussion
Materials• Signage tungkol sa consent
Oras30 na minuto

Instructions

1. Sabihin mo ito:

“Tuwing magdedesisyon tayong makisali sa buhay tulad ng pakikipagrelasyon, maghawak-kamay, pagyakap, kasal, o sex, maaaring magbigay ng consent o pagpayag ang ibang tao sa ibang gawain, pero hindi sa lahat. Ito ay indibidwal na kagustuhan, at ang lahat ng tao ay may karapatang magdesisyon kung anong gawain ang gusto o ayaw nilang salihan.

Sa mga relasyon, ibig sabihin ay dapat maging komportable ang mga VYAs sa mga gawaing sinasalihan nila, at dapat ay laging may consent o pagpayag ang bawat isa sa anumang gawain.”

2. Tanungin ang participants ng sumusunod:

“Sa romantikong relasyon…”

  • Kailangan ba ng pagpayag kapag hahawak ka sa kamay ng iba?
  • Kailangan ba ng pagpayag kapag hahalikan mo ang tao sa labi?
  • Kailangan ba ng pagpayag kapag hahawakan mo ang katawan ng ibang tao?
  • Kailangan ba ng pagpayag kapag makikapag-sex ka sa tao?

Dapat ang lahat ng sagot nila dito ay OO.

3. Bigyang-diin na ang lahat ng gawaing ito ay may kaakibat na paghawak kaya kinakailangan ang consent o pagpayag ng parehong tao.

“Ang puwersahang pakikipag-sex gamit ang genitalia sa ibaba ay isang uri ng sexual harassment. Ang ilang uri ng sapilitang sexual contact ay tinatawag na sexual harassment.

Ang ibang uri ng sapilitang sexual contact ay mas malala pa, at tinatawag na sexual assault o rape/panggagahasa. Krimen ang lahat ng ito. Ang isang magandang patakarang laging tatandaan ay dapat makakuha ka ng permiso mula sa ibang tao bago kayo magkaroon ng anumang uri ng sexual contact. Kapag mas sexual ang gawain, dapat mas maingat at mas matindi ang paniniguradong may consent o pagpayag na naganap.

Kung di pa ganoong katanda ang isang tao para magbigay ng permiso, hindi ka dapat makikipag-sexual contact sa kanya. Hindi dapat pinipilit o inuuto ang mga bata para pumayag sila.”

4. Ipaalala sa grupo na karapatan ng isang tao (lalaki man o babae) na umayaw sa isang gawaing sexual, kahit na sila ay kasal na.

5. Sabihin mo ito:

“Isa sa pinakamainam na paraan para malamang kung di komportable ang isang tao sa isang sitwasyon, lalo na sa isang sexual na kaganapan, ay ang pagtatanong.

Narito ang ilang halimbawa ng mga puwede mong itanong, lalo na sa iyong VYA. I-print ang mga halimbawang ito na pwede mong itanong sa iyong VYA.”

“Kapag nakakuha ka ng negatibo o di-tiyak na kasagutan sa anuman sa mga tanong na ito, dapat ay ihinto mo na kung anuman ang ginagawa mo at kausapin mo muna ang kasama mo. Baka natatakot lang siyang magsalita sa iyo para sabihing hindi ito katanggap-tanggap sa kanila.

Tandaan natin na dahil pumayag na ang isang tao sa isang gawain dati, hindi ibig sabihin ay lagi na silang papayag dito. Puwede silang tumanggi sa susunod na pagkakataon. Kung nais ng mag tao na magkaroon ng masayang relasyon, mahalaga na pareho silang sumasangayon sa anumang gawain na magaganap sa relasyon nila. Sa puntong ito, mahalagang tandaan na hindi mo dapat hahawakan ang isang tao sa sexual na paraan nang walang pahintulot nila.

6. Basahin isa-isa ang mga scenario.

Habang binabasa ninyo, sabihin sa participants na pumunta sa isang banda ng kuwarto kapag sa tingin nila ay tama ang ginawa ng isang character sa pagpapakita ng respeto sa tao. Pupunta naman sila sa kabilang banda ng kuwarto kapag sa tingin nila ay mali ang ginawa ng batang lalaki at hindi nito nirespeto ang kaulayaw. Kung hindi sila sigurado, sa gitna sila tatayo. Kung hindi sigurado ang mga participants o mali ang sagot nila, siguraduhing ipapaliwanag mo kung bakit ito ang tamang sagot at kung ano ang dahilan nito.

Right or Wrong Scenarios

ScenarioSagot
May gusto si Ryan kay Star. Sinundan niya pauwi mula sa eskuwela si Star isang araw. Nang makarating sila sa isang lugar na liblib at tahimik, hinarang niya ito at hinawakan sa suso. Pumalag si Star at humihindi, pero patuloy si Ryan sa paghawak hanggang sa tumakbong palayo ang babae. Tama ba o mali ang ginawa ni Ryan?Mali ito dahil sapilitan. Sexual assault ang tawag dito.
Isang grupo ng kabataang lalaki ang tumatambay sa labas ng classroom para harangharangan ang mga babae, titigan sila, at hawak-hawakan ang katawan habang papalabas sila sa pinto. Tama ba o mali ang ginagawa ng mga batang lalaki?Mali ito dahil sapilitan. Sexual harassment ang tawag dito.
Type ni Angelo si Sally at type din ni Sally si Angelo. Nagtanong si Angelo kung puwede niyang halikan si Sally. Pumayag si Sally. Tama ba o mali ang ginawa ni Angelo?Ginagalang dito ang karapatan dahil pumayag ang tao nang hindi sapilitan.
Balak magpakasal nina Jeffry at Eveline at nabigyan na sila ng permiso ng mga magulang nila. Dahil sa ikakasal na naman sila, gusto nang makipag-sex ni Jeffry kay Eveline. Ayaw ni Eveline dahil gusto niyang ikasal muna sila. Ayon kay Jeffry, dapat makipag-sex na sa kanya ngayon si Eveline para ipakita niyang mahal niya talaga si Jeffry. Tama ba o mali ang ginawa ni Jeffry?Mali ito dahil sapilitan. Sexual harassment ang tawag dito.
Type ni Aladin si Rowena at type din ni Rowena si Aladin. Tinanong ni Rowena kung puwede niyang halikan si Aladin. Ayaw ni Aladin. Pinilit ni Rowena na halikan siya ni Aladin. Tama ba o mali ang ginawa ni Rowena?Mali ito dahil sapilitan. Sexual harassment ang tawag dito.
Kasal si Joel kay Emee. isang araw, gusto niyang makipag-sex kay Emee, pero ayaw nito. Pinilit ni Joel na makipag-sex kay Emee. Tama ba o mali ang ginawa ni Joel?Mali ito dahil sapilitan. Rape ang tawag dito.
May mga sexual na pagnanasa si Tom sa kapitbahay nilang si Ryan. Sa tingin niya, ganoon din ang pakiramdam ni Ryan sa kanya. Isang gabi, matapos maglaro, sinubukan niyang hawakan ang genitals ni Ryan. Itinulak siyang palayo ni Ryan. Mas malaki at malakas si Tom kaya hinawakan niya si Ryan para patuloy niyang mahawak-hawakan ito. Tama ba o mali ang ginawa ni Tom?Mali ito dahil sapilitan. Sexual assault ang tawag dito.
Si Maria ay 15 years old at pinipilit siya ipakasal sa isang 47 years old na lalaki. Ayaw magpakasal ni Maria sa mas matanda sa kanya at ayaw pa niyang makipag-sex habang 15 pa lang siya. Tama ba ito o mali?Mali ito sa sitwasyon ng “consent” at child’s rights. Mali rin ito sa larangan ng pagbabagong biological at pisikal ni Maria dahil kung mabubuntis na siya sae dad na iyon, baka malagay siya at ang baby niya sa panganib.

7. Pagkatapos ng activity, tanungin ang mga sumusunod:

  1. Ano ang naramdaman mo tungkol sa activity?
  2. May natutunan ka ba o input?
  3. Kahalintulad ba ng sarili mong karanasan sa buhay ang mga nasa scenario?

Ang lahat ng tao ay may karapatang magdesisyon kung anong mga sexual na gawain ang gusto o ayaw nilang salihan. Sa relasyon, kahit sa kasal, dapat ang parehong mag-partner ay parehong komportable sa mga gawaing gagawin nila, at dapat ay pareho silang pumayag na gawin ang bawat activity. Ang pagpilit sa isang tao na gumawa ng anumang sexual na gawain ay mali, kahit na kasal pa kayo. Kung nais magsimula ng gawaing sexual ang isang tao, dapat ay makuha muna niya ang pagpayag ng taong makakaulayaw niya.

Key Message

100% Completed
Activity Plan 4: Pag-iwas sa Pagbubuntis: Tama o Mali 2 – SCP H2H Facilitator’s Manual