Activity Plan 5: Wildfire
Objectives• Matukoy ang mga kathang-isip at katotohanan tungkol sa pagiwas sa pagkakaroon ng sexually transmitted infections, kasama na ang HIV
• Matukoy kung paano nagkakaroon ng STI at HIV at paano maiwasan ang panganib na ito
Description• Game
Materials• 1 piraso ng red card
• 1 piraso ng green card
• Music
• Pag-iwas sa STI at HIV handout
• ABCDE of STI and HIV and AIDS Prevention
• HIV Transmission Comics Sheet
Oras60 na minuto

Instructions

1. Random na pumili ng dalawang participants.

Ang isa sa kanila ay ilalagay ang 1 red card sa dibdib niya, habang ang isa naman ay 1 green card ang ilalagay sa dibdib niya.

2. Magpatugtog ng music at kunwari’y nasa isang dance party kayong lahat.

Sabihin mo sa kanilang babasahin mo isa-isa ang mga statement sa listahan. (Tingnan sa ibaba).

3. Sabihin mo ito:

“Kunwari nasa isang party tayo, may sayawan, at makakakilala ka ng mga bagong kaibigan. Kamayan ninyo ang mga bagong makikilala ninyo!”

4. Matapos ang 3-5 minuto, sabihan ang participants na tapos na ang party.

Paupuin sila na paikot sa isang bilog. Itanong mo ito:

  • Ilang bagong kaibigan ang nakilala ninyo sa party?
  • Sino ang nakipagkamay sa taong may red card?
  • Sino ang nakipagkamay sa taong may green card?

5. Sabihin mo ito:

“Minsan, kapag nagkakaingin, lumalampas ang apoy sa lugar na sinusunog. Maaring dahil ito sa init at malakas na ihip ng hangin. Sa ibang bansa, ang tawag dito ay ‘wildfire’ kasi madaling kumakalat ang apoy.

Parang ganyan din ang pagkalat ng sakit na nakukuha sa pagtatalik o sexually-transmitted infections (STI), kaya ang tawag sa larong ito ay ‘Wildfire’. Pinapakita ng larong ito kung gaano kadali kumalat ang STI, pati na ang HIV. Ang pakikipag-kamay ay kunwari’y nakipagsex ka sa taong iyon. ‘Yung mga may red card ang kunwari’y may HIV na hindi gumagamit ng condom kapag nakikipag-sex.

Kung nakipagsex ka sa taong may red card, ibig sabihin ay puwede kang magkaroon ng HIV dahil hindi nag-condom ang taong iyon. Lahat ng naka-sex mo pagkatapos nun ay posible na ring magkaroon ng HIV kung hindi kayo gumamit ng condom. ‘Yung mga may green card ang kunwari’y may HIV din pero alam niya kung ano ang ‘safe sex’ kaya lagi siyang gumagamit ng condom kapag nakikipag-sex.”

6. Itanong mo ito:

“Sino ang makakapagsabi kung ano ang STI at paano ito nakakahawa?”

SAGOT: Ang HIV ay human immunodeficiency virus. Isa itong uri ng mikrobyo. Inaatake ng virus na ito ang immune system o kapasidad ng katawang protektahan ang sistema niya mula sa sakit. Naipapasa ito sa iba kapag nakipag-sex nang walang condom, o kung nakapasok sa dugo mo ang dugong may HIV. Naipapasa din ito ng isang ina sa anak niya sa panganganak o pagpapasuso.

HINDI nakakahawa ang HIV sa mga paraang ito:

  • Yakapan at halikan
  • Ang pagtabi sa taong may HIV
  • Pakikipagkamay
  • Nakatira o nakikipagtrabaho sa taong may HIV
  • Pag-ubo at pagbahing
  • Kagat ng lamok o ibang insekto
  • Pag-swimming sa pool
  • Kumakain o umiinom kasalo ang taong may HIV
  • Hiraman ng kutsara’t tinidor
  • Gumagamit ng parehong kubeta

Ano ang HIV?

Ang immune system ay koleksiyon ng cells at iba-ibang substances na nagsisilbing depensa ng katawan laban sa mga masasamang substances (virus, bacteria, o ibang germs) na tinatawag na antigens, na tumutulong na mapanatiling malusog ang katawan. Kapag pinasok ng antigens ang katawan ng tao, gumagawa ang immune system ng antibodies sa dugo na siyang lalabanan ang mga antigens.

Maitutulad ang immune system sa isang army na nagbabantay ng bansa at bibigyanproteksiyon ito laban sa pagsalakay ng banyagang kalaban. Mayroon itong white blood cells na ang tawag ay T-lymphocytes at B-lymphocytes, na siyang nagsisilbing parang army. Kasama sa T-lymphocytes ang cells na tinatawag na Cluster of Differentiation 4 (CD4).

Ang Human Immunodeficiency Virus o HIV ay isang virus na inaatake ang CD4 cells kaya humihina ang immune system. Kapag pinasok na ng HIV ang cell, ginagamit nito ang cell para gumawa ng kopya ng sarili nito – ang prosesong ito ay tinatawag na replication. Sa pagdaan ng panahon, ang mga kopya ng virus ay dumarami na nagiging dahilan ng pagkasira ng marami pang CD4 cells. Kapag nangyari ito, hindi na kayang depensahan ng immune system ang katawan mula sa antigens. Ang kondisyong ito ay tinatawag na Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS.

7. Itanong mo ito:

“Sino ang makakapagsabi kung ano ang AIDS?”

SAGOT: Ang AIDS ay acquired immune deficiency syndrome. Hindi ka nahahawa sa AIDS. Nangyayari ang AIDS kapag ang isang taong may HIV ay nasisira na ang kanyang immune system o depensa ng katawan kaya tinatalaban na siya ng malubhang sakit.

Pagkakaiba ng HIV sa AIDS

Ang Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) ay isang kondisyon ng isang taong may HIV kapag mahina o nasira na ang immune system niya at hindi na kayang labanan ng katawan niya ang anumang pangkaraniwang impeksiyon.

Maitutulad ang immune system sa isang army na nagbabantay ng bansa at bibigyanproteksiyon ito laban sa pagsalakay ng banyagang kalaban. Mayroon itong white blood cells na ang tawag ay T-lymphocytes at B-lymphocytes, na siyang nagsisilbing parang army. Kasama sa T-lymphocytes ang cells na tinatawag na Cluster of Differentiation 4 (CD4).

Ang HIV infection ay MAAARING MAPUNTA sa AIDS pero ang taong may HIV ay HINDI NANGANGAHULUGANG MAY AIDS.

8. Itanong mo ito:

“Alam niyo ba kung paano iniiwasan ang mga STI, pati na rin ang HIV?”

SAGOT: May isang madaling paraan para matandaan kung paano iwasan ang STI at HIV. Tandaan lang ang ABCDE. Ipamigay ang Pag-iwas sa STI at HIV (Resource 11) handout at basahin nang sabay-sabay.

A – Abstinence (Pag-iwas sa sex)

“Ito ang pinaka-epektibong paraan ng pag-iwas sa STI at HIV.”

B – Be mutually faithful (Dapat isa lang ang ka-sex o monogamous kayo)

“Nakita natin sa Wildfire game na kapag mas marami kang sexual partner, mas malaki ang posibilidad na mahawa ka ng sakit.”

C – Correct and consistent use of condom (Tamang gamit at laging gumamit ng condom)

“Maraming uri ng family planning method, pero ang condom lang ang makakaprotekta mula sa STI at HIV. Kapag naka-condom, maiiwasan mong mahawa sa STI, at maiiwasan ding mabuntis o makabuntis.”

D – Don’t do drugs; don’t share needles or syringes (Huwag mag-droga at huwag magpalitan ng hiringgilya)

“Naipapasa sa maduming karayom at hiringgilya ang HIV.”

E – Education; early detection (Magpa-HIV test); early treatment (Maagang pagpapagamot)

“Wala pang gamot na nagtatanggal sa HIV, pero may mga gamot na ngayon para makontrol ang virus at tumatagal ang buhay kapag umiinom nito. Libre ang pagpapa-gamot. Libre rin ang magpa-test sa Social Hygiene Clinic. May mga ahensiya at NGO rin na pumupunta sa mga komunidad upang mag-HIV testing.”

9. Itanong mo ito:

“Paano niyo malalaman kung ang isang tao ay may STI o HIV?”

SAGOT: Walang paraan para malaman kung ang isang tao ay may HIV kung titingnan mo lang siya.Ang tanging paraan para malaman ay sa pamamagitan ng pag-test ng dugo kung may HIV. Ang ibang STI din ay walang nakikitang sintomas. Para malaman mo kung may STI ka, magpa-test ka rin kung anong STI meron ka. Ang mga taong may HIV at AIDS ay may karapatang magkaroon ng trabaho, disenteng tirahan, karapatang di mabunyag ang status niya, at magkaroon ng social support services.

Treatment sa HIV: Antiretroviral Therapy

Sa ngayon, WALANG BAKUNA para mapigilan ang HIV infection.

Ngayon ay WALANG GAMOT sa HIV na makakatanggal sa virus sa loob ng katawan ng tao. Ang taong maiimpeksiyon ng HIV ay habambuhay nang may HIV. Pero may gamot na ngayon na nakapagpapabagal sa pagkalat ng HIV.

Ang treatment ay tiantawag na Antiretroviral Therapy (ART) na gumagamit ng mga gamot na tinatawag na antiretrovirals (ARV). Kailangan ang gamot na ito para mapabagal ang replication ng virus, para hindi nito masira ang CD4 cells. Ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng CD4 cells ay nagpapalakas sa immune system para labanan ang mga impeksiyon.

10. Itanong mo ito:

“Alam niyo ba kung saan puwedeng magpa-test ng STI o HIV?”

Siguraduhin mong nakuha mo ang pangalan ng mga lokal niyong health facilities at Social Hygiene Clinics. Kung alam mo ang address at phone number, ipamahagi ito sa mga participant.

Kapag mag-visit kayo sa pinaka malapit na RHU, ipagtanong din kung saan ang Social Hygiene Clinic o pinakamalapit na facility kung saan pwedeng makapag patest ng HIV at makakuha ng antiretroviral drugs o ARVs.

Pwede ding humingi ng listahan sa Save the Children Philippines ng mga Social Hygiene Clinic sa inyong lugar.

Ang STI at HIV ay nahahawa sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain. Para mapigilan ang paglaganap ng HIV, kailangang malaman ng mga tao ang tamang impormasyon sa pag-iwas at paggamot nito. Kapag magbibigay ng impormasyon tungkol sa pag-iwas sa HIV, makakatulong ang “ABCDE” model:

A = Abstinence (Huwag makipag-sex)
B = Be mutually faithful (Magkaroon ng relasyong tapat sa isa’t-isa)
C = Correct and consistent o tamang pagganit at laging gumagamit ng condom
D = Do not use drugs (Huwag magdroga)
E = Educate yourself (Turuan ang sarili)

Key Message

100% Completed
Activity Plan 5: Wildfire – SCP H2H Facilitator’s Manual