Session 5 Assignment

1. Sabihin sa mga participant na kailangan nilang bumisita sa pinakamalapit na health center, clinic, o ospital na pampubliko.

Ibigay ang mga detalye:

  • Petsa
  • Oras
  • Saan sila susunduin at anong oras magkikita

Mga kailangang dalhin:

  • Pasyal-Aral Feedback Form
  • Consent Form at Waivers
  • Pen
  • Baong tubig at pagkain, kung kailangan

Pasyal-Aral sa Health Center

Paghahanda para sa “Pasyal-Aral sa Health Center”

  • Sulat sa mayor at municipal o city health officer
  • Waiver at consent forms para sa mga magulang at adolescents
  • Logistical arrangements (sasakyan, oras at lugar ng pagkikita, pagkain)

Makipag-ugnayan sa focal point ng Adolescent Health and Development Program para makumpirma kung may mga activity na gagawin sa araw na iyon, tulad ng:

  • Meet and greet session sa mga health service provider
  • ASRH talk or Healthy Young Ones (HYO)
  • Medical at dental check-ups

Gumawa ng debriefing matapos ang activity:

  • Mga pakiramdam at isipin tungkol sa pagbisita
  • Ano ang gagawin matapos ang pagbisita

Pasyal-Aral Feedback Form Handout

Instructions

Pakisagutan ang sumusunod na tanong tungkol sa inyong field trip sa health center. Hindi ito ibibigay kahit kanino. Itago niyo lang ito at dalhin ito para mapag-usapan natin sa susunod na Heart to HEART session.

I-download dito ang answer sheet:

Individual Health Services for Adolescents

Instructions

Maraming serbisyo ang maaaring makamit ng mga adolescent mula sa iba’t ibang pasilidad. Maaring may mga serbisyo na malapit sa inyo na hindi niyo pa alam. Interbyuhin niyo ang health workers sa eskuwelahan, health center, ospital, o ibang pasilidad na pangkalusugan. Lagyan ng tsek kung mahahanap ang serbisyo na iyon sa eskuwelahan, health center, ospital, o ibang pasilidad.

I-download dito ang answer sheet:

Mula sa DOH AO 2017-0012: Guidelines on the Adontion of Baseline Primarv Health Care Guarantees for All Filipinos. Primary Health Care Services for Well-Individuals (Adolescents 10-19 years old).

100% Completed
Session 5 Assignment – SCP H2H Facilitator’s Manual