Objectives | • Maibahagi ng participants at kanilang mga adolescent na anak sa isa’t isa ang sarili nilang mga adhikain at layunin |
Description | • Paggawa ng worksheet at pakikipag-usap sa isa’t isa |
Materials | • Pangarap Mo, Pangarap Ko Worksheet • Pen • Markers |
Oras | 45 na minuto |
Instructions
1. Sabihin mo ito:
“Importante sa activity na ito ang mag-enjoy, maging bukas, at makibahagi ng husto sa mga gagawin.
Laging tandaan na sa lahat ng gawain natin ay may safe space. Malaya tayong makakapagsabi kung ano-ano ang mga gusto nating sabihin at ibahagi.
Sa mga magulang o guardians, umupo kasama o katabi ang inyong mga anak o VYA.
Ipamamahagi namin ang Pangarap Mo, Pangarap Ko na worksheets, tig-isa kayong papel. May dalawang tanong sa papel na sasagutin ninyo nang magkasama. Ang bawat isa sa inyo ay may 20 minuto para sagutin ang tanong at ipaliwanag habang nakikinig naman ang isa. Maaari n’yo ring idrowing ‘yung mga sagot n’yo sa dalawang katanungan.”
Pangarap Mo, Pangarap Ko
Instructions
Sagutin ninyo ang dalawang tanong sa harap ng isa’t isa. Ang bawa’t isa sa inyo ay may 10 minuto para sagutin ang tanong at ipaliwanag habang nakikinig naman ang isa. Pagkatapos ay magpapalit naman kayo.
- Ang pangarap ko para sa pamilya natin ay _______
- Gusto kong makita ako ng pamilya natin bilang _______