Activity Plan 4: Pangarap Natin (Pinagsamang Pananaw)
Objectives | • Magkasundo ang mga magulang at kanilang mga adolescent sa iisang adhikain at layunin para sa kanila bilang magulang at anak |
Description | • Paggawa ng worksheet nang magkasama |
Materials | • Pangarap Natin worksheet |
Oras | 45 na minuto |
Instructions
1. Sabihin mo ito:
“Sa exercise na ito, pag-uusapan natin bilang magulang o guardian at VYAs kung ano-ano ang mga plano, pangarap, o ninanais gawin o abutin sa buhay.
Bibigyan namin kayo ng kopya ng Pangarap Natin worksheets. Isulat o idrowing n’yo ang mga adhikain (vision), pangarap, at mga hakbang o dapat gawin sa Pangarap Natin worksheet.
Kayo ay may 15 – 20 minuto para matapos ang activity.”
2. Pagkatapos ng activity, itanong mo ito:
- Ano ang naramdaman ninyo noong ginagawa ninyo ang exercise na ito?
- Nagulat ba kayo sa mga adhikain at hakbang na pareho ninyong napagdesisyunan?
- May mga tanong ba kayo o gustong sabihin?

Maraming salamat sa inyong aktibong pakikilahok. Ang dami ko ring natutuhan sa inyo. Ngayon, puwede n’yo nang itago ang shared dreams o visions ninyo. Hinihikayat ko kayong idikit ito sa inyong bahay para lagi n’yo itong nababasa para paalalahanan kayo sa pinag-usapan ninyo. Maging inspirasyon sana siya para mas maabot n’yo ang mga pangarap n’yo sa isa’t isa.
Key Message