Activity Plan 5: Itigil-Ituloy-Simulan
Objectives• Magkasundo ang participants at kanilang adolescent na anak kung paano nila susuportahan ang isa’t isa para maabot ang kanilang napagkasunduang pangarap at adhikain
Description• Paggawa ng worksheet nang magkatambal
Materials• Itigil-Ituloy-Simulan worksheets
Oras45 na minuto

Instructions

1. Sabihin mo ito:

“Ngayong natukoy n’yo na ang mga layunin ninyo at mga hakbang na kailangan ninyong gawin para matupad ito, tingnan naman natin kung paano n’yo ito magagawa.

Sa loob ng limang buwan, maaaring may napapansin kayong pagbabago sa mga magulang o guardian ninyo. Kung mayroon nga, okay ‘yun! Pero hindi madaling baguhin ang pakikitungo natin sa isa’t isa. Ang mga relasyon ay laging two-way o pang-dalawang daanan, at ang pakay ng exercise na ito ay para matunton ninyo kung paano ninyo susuportahan ang isa’t isa. Titingnan natin kung ano ang gusto nating Itigil, Ituloy, o Simulan para matulungan tayong makamit ang mga adhikain natin.”

2. Bigyan ang bawat participant ng Itigil-Ituloy-Simulan worksheet.

3. Sabihan ang mga magulang na pumunta sa isang bahagi ng venue, habang ang adolescents naman ay pupunta sa kabilang bahagi.

Bigyan sila ng 20 minuto para makumpleto nag gawain na ito.

4. Ibigay ang instructions na ito sa nakatatandang participants:

  • Sa tabi ng red light o pulang ilaw (Itigil!), isulat ninyo kung ano dapat ang ihinto na ng mga anak ninyo para masuportahan, mas maalagaan, at matulungan nila kayo.
  • Sa tabi ng yellow light o dilaw na ilaw (Ituloy!), isulat ninyo kung ano ang dapat pang pagbutihin ng mga anak ninyo para masuportahan, mas maalagaan, at matulungan nila kayo.
  • Sa tabi ng green light o luntiang ilaw (Simulan!), isulat ninyo kung ano dapat ang simulang gawin ng mga anak ninyo para masuportahan, mas maalagaan, at matulungan nila kayo.

5.Ibigay ang instructions na ito sa adolescent na participants:

  • Sa ilalim ng red light o pulang ilaw (Itigil!), isulat ninyo kung ano dapat ang ihinto na ng mga magulang ninyo para masuportahan, mas maalagaan, at matulungan nila kayo.
  • Sa ilalim ng yellow light o dilaw na ilaw (Ituloy!), isulat ninyo kung ano ang dapat pang pagbutihin ng mga magulang ninyo para masuportahan, mas maalagaan, at matulungan nila kayo.
  • Sa ilalim ng green light o luntiang ilaw (Simulan!), isulat ninyo kung ano dapat ang simulang gawin ng mga magulang ninyo para masuportahan, mas maalagaan, at matulungan nila kayo.

6. Kapag tapos na ang lahat, pagtabihin mo ang mga magulang at kanilang anak.

Sabihin mong ibahagi nila ang sinulat nila sa isa’t isa.

7. Kapag tapos na ang magulang na magbahagi sa kanilang mga anak, magtanong kung may gustong magbahagi ng kanilang isipin o kung may tanong sila.

8. Sabihin mo ito:

“Maaaring hindi natin magawa ang lahat ng nilista natin diyan. Pero puwede naman nating piliin ang top 3 na ideya para maganap ang Itigil, Ituloy, at Simulan. At makakamit lang natin ito kung mayroong bukas at tapat na komunikasyon sa atin.”

9. Bago matapos ang session, tanungin kung ano ang pakiramdam nila sa activities.

Alamin din mula sa kanila kung mayroon ba silang natutuhan at kung ano ang mga iyon. Tapusin ang session sa pagpapasalamat sa participants.

Itigil-Ituloy-Simulan Worksheet Sample

90% Completed
Activity Plan 5: Itigil-Ituloy-Simulan – SCP H2H Facilitator’s Manual