Activity Plan 6: Sulat mula sa Puso
Objectives• Mangako ang participants na tumupad sa kanilang mga napagkasunduan sa session na ito
Description• Pagsusulat sa isa’t isa
Materials• Papel
• Envelope
• Panulat
Oras45 na minuto

Instructions

1. Sabihin mo ito:

“Ngayon na ang oras para mangako tayong tutuparin natin ang pinagsama nating adhikain at mga hakbang.”

2. Bigyan ang lahat ng gamit-panulat, papel, at letter envelope.

3. Sabihin mo ito:

“Isulat o idrowing ang mga pangakong tutuparin ninyo para makamit ang mga layunin ninyo.”

4. Bigyan ang participants ng 20 minuto para gumawa ng mga sulat nila.

Hayaan mo silang makipagpalit ng mga sulat nang mabasa ito ng isa’t isa.

Pagkatapos nilang gawin ang mga sulat nila, itanong mo ito:

  • Ano ang naramdaman ninyo noong ginagawa ninyo ang exercise na ito?
  • May mga tanong po ba kayo?

5. Magtawag ng volunteer na gustong magbasa at magbahagi ng kanilang sulat.

90% Completed
Activity Plan 6: Sulat mula sa Puso – SCP H2H Facilitator’s Manual