Panimula ng Session 6

Preparasyon

Imbitahan lahat ng mga H2H parents na makakasama sa loob ng anim na buwan. Sabihin sa kanila ang petsa at venue ng H2H Session 6.

Pumili ng venue or lokasyon na malapit sa lahat. Maaring gawin ito sa eskwelahan o sa isang function hall. Makipag-ugnayan sa Save The Children Manager or Coordinator upang makahanap ng maayos na venue.

Objectives• Maging handa at malinawan ang lahat sa gagawin sa Session 6
Description• H2H attendance sheet and feedback form
• Ballpen or markers
• Nametags
• Projector (if available)
• Manila Papers
• Masking tape
• Pen markers
• Poster o malaking drowin ng Bayanihan
• Suporta para sa mga Adolescent na cards
• Metacards
• Pangarap mo, Pangarap Ko worksheet
• Pangarap Natin worksheet
• Itigil-Ituloy-Simulan worksheet
• Papel
• Envelope
Oras• 4 na oras para sa Session 6
• 2 na oras para sa Graduation

Instructions

1. Batiin ang mga participant at bigyan sila ng name tags sa pagpasok nila sa session.

“Hello! Welcome sa huling session ng Heart to HEART! Noong huling beses tayong nagkasama, pinagpatuloy natin ang talakayan patungkol sa ating mga sarili at ating mga VYA.” “Nagkaroon tayo ng iba’t ibang paraan para pag-usapan ang mga bagay na hindi natin kadalasang pinag-uusapan, tulad ng mga usaping maagang pagbubuntis, STIs, HIV at AIDS, sex at iba pa. Ngayon ay GANAP na kayong tagapagtaguyod ng HEART!

Ngayon sa panghuling session, pag-uusapan natin ang pagdedesisyon ng mga magulang at kanilang mga adolescent sa iisang adhikain at layunin para sa kanila bilang magulang at anak. Magkakaroon tayo ng activities na kasama ninyo ang inyong mga VYA na mangarap at mag-plano para maabot inyong mga adhikain at layunin sa buhay at suportahan ang isa’t isa.

Pagkatapos nitong session na ito ay magkakaroon tayo ng simpleng graduation kung saan kasama natin ang inyong mga anak, apo, o pamangkin

Bago tayo magpatuloy, gusto din nating pasalamatan ang ating mga espesyal na bisita ngayon. Hello at welcome sa ating mga anak, mga adolescents! Maraming salamat sa inyo at sa loob ng ilang buwan ay nakibahagi kayo sa activities at assignements ng inyong mga magulang. Kayo ang dahilan at naging ganap na Heart to HEART graduates ang inyong mga magulang. Kaming lahat ay nangangarap na maging mas mabuting impluwensiya sa buhay ninyo! Halika at magpakilala tayo isa-isa.”

2. Expectation Setting at Ground Rules

Sabihin mo ito:

“Noong orientation naibahagi natin ang ating mga expectations at ground rules. Ito ang napag kasunduan natin. (Ipakita ang drawing ng expectations at ground rules).”

3. Daily Feedback Journal o Diary

Tanungin sila kung dala nila ang kanilang Daily Feedback Journal or Diary. Bigyang-diin na ang mga journal ay pribado dapat, at ipapabasa lang sa kanila kung ano ang kumportable silang ibahagi.

Kamustahin ang kanilang Assignments. Magbigay ng oras para pagusapan ito.

Itanong mo ito patungkol sa assignment:

  • Nakumpleto niyo ba ang mga assignment ninyo? Ano ang nangyari?
  • Ano ang reaksyon ng inyong (mga) anak?
  • Ano pakiramdam niyo habang ginagawa ung assignment?
  • Ano ang mga natutunan ninyo tungkol sa sarili ninyo at sa (mga) anak ninyo mula noong huli tayong nagkasama?

4. H2H Session 6 Agenda

Siguraduhin na lahat ng kalahok sa loob ng anim na buwan ay naiintindihan at handang sumama sa lahat ng sessions. Kung sila ay sumasangayon at walang katanungan ibahagi sa kanila ang gagawin sa Session 6 sa loob ng apat na oras.

Kapag nabahagi na ito. Sabihin sa kanila na maguumpisa sa unang activity.

90% Completed
Panimula ng Session 6 – SCP H2H Facilitator’s Manual